1
Isaias 1:18
Ang Salita ng Diyos
ASD
Sinabi pa ng PANGINOON, “Halikayoʼt pag-usapan natin ito. Gaano man kabigat ang inyong kasalanan, kahit itoʼy matingkad na pula, itoʼy aking papuputiin tulad ng nyebe. Kahit na itoʼy pulang-pula, itoʼy magiging puting-puti.
Paghambingin
I-explore Isaias 1:18
2
Isaias 1:19
Kung susunod lang kayo sa akin ay pagpapalain ko kayo.
I-explore Isaias 1:19
3
Isaias 1:17
Matuto kayong gumawa ng mabuti at sikaping pairalin ang katarungan. Tulungan ninyo ang mga inaapi; ipagtanggol ang karapatan ng mga ulila at mga biyuda.”
I-explore Isaias 1:17
4
Isaias 1:20
Ngunit kung patuloy kayong magrerebelde, tiyak na mamamatay kayo.” Mangyayari nga ito dahil sinabi ng PANGINOON.
I-explore Isaias 1:20
5
Isaias 1:16
“Linisin ninyo ang inyong sarili. Tigilan na ninyo ang paggawa ng kasamaan sa aking harapan.
I-explore Isaias 1:16
6
Isaias 1:15
Kapag nananalangin kayo, hindi ko kayo papansinin. Kahit paulit-ulit pa kayong manalangin hindi ko kayo pakikinggan dahil marami kayong pinatay na tao.
I-explore Isaias 1:15
7
Isaias 1:13
Tigilan nʼyo na ang pagdadala ng mga handog na walang silbi. Nasusuklam ako sa amoy ng inyong mga insenso. Hindi ko na matiis ang inyong mga pagtitipon kapag Pista ng Bagong Buwan at Araw ng Pamamahinga, dahil kahit na nagtitipon kayo, gumagawa kayo ng kasamáan.
I-explore Isaias 1:13
8
Isaias 1:3
Kahit ang mga bakaʼy kilala ang nagmamay-ari sa kanila, at ang mga asnoʼy alam kung nasaan ang kanilang sabsaban ngunit ang aking bayang Israel ay hindi nakakakilala, ang aking mamamayan ay hindi nakakaunawa.”
I-explore Isaias 1:3
9
Isaias 1:14
Sa inyong mga Pista ng Bagong Buwan at sa iba pa ninyong mga pista ang aking kaluluwaʼy labis na nasusuklam. Sobra-sobra na! Hindi ko na ito matiis!
I-explore Isaias 1:14
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas