1
Mga Taga-Roma 8:28
Ang Salita ng Diyos
ASD
Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.
Paghambingin
I-explore Mga Taga-Roma 8:28
2
Mga Taga-Roma 8:38-39-38-39
Sapagkat natitiyak ko na walang makakapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinakita sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon. Maging kamatayan o buhay, mga anghel o anumang makapangyarihang espiritu, ang kasalukuyang panahon o ang hinaharap, ang mga kapangyarihan, ang mga nasa itaas o mga nasa ibaba, o kahit ano pang mga bagay sa buong mundo ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.
I-explore Mga Taga-Roma 8:38-39-38-39
3
Mga Taga-Roma 8:26
Tinutulungan tayo ng Espiritu sa kahinaan natin. Hindi natin alam kung ano ang dapat nating ipanalangin, kaya ang Espiritu na rin ang namamagitan sa Diyos para sa atin sa pamamagitan ng mga daing na hindi natin kayang sabihin.
I-explore Mga Taga-Roma 8:26
4
Mga Taga-Roma 8:31
Ngayon, kung iisipin natin ang mga bagay na ito, masasabi nating panig sa atin ang Diyos, at dahil dito, walang magtatagumpay laban sa atin.
I-explore Mga Taga-Roma 8:31
5
Mga Taga-Roma 8:1
Kaya ngayon, hindi na hahatulan ng kaparusahan ang mga nakay Kristo Hesus.
I-explore Mga Taga-Roma 8:1
6
Mga Taga-Roma 8:6
Ang pagsunod sa nais ng makasalanang pagkatao ay hahantong sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa nais ng Espiritu ay hahantong sa buhay at kapayapaan.
I-explore Mga Taga-Roma 8:6
7
Mga Taga-Roma 8:37
Ngunit kahit ganito ang kalagayan natin, ganap ang ating tagumpay sa tulong ni Kristo na nagmamahal sa atin.
I-explore Mga Taga-Roma 8:37
8
Mga Taga-Roma 8:18
Para sa akin, ang mga paghihirap sa buhay na ito ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang ihahayag sa atin balang araw.
I-explore Mga Taga-Roma 8:18
9
Mga Taga-Roma 8:35
Walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo, kahit dumanas pa tayo ng mga pagsubok, paghihirap, pag-uusig, gutom, kawalan, panganib, o maging kamatayan.
I-explore Mga Taga-Roma 8:35
10
Mga Taga-Roma 8:27
At ang anumang nais sabihin ng Espiritu ay alam ng Diyos na siyang sumisiyasat sa puso ng mga tao. Sapagkat namamagitan ang Espiritu para sa mga tinawag na maging banal, kung ano ang ayon sa kalooban ng Diyos.
I-explore Mga Taga-Roma 8:27
11
Mga Taga-Roma 8:14
Ang mga taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos.
I-explore Mga Taga-Roma 8:14
12
Mga Taga-Roma 8:5
Sapagkat ang mga taong namumuhay ayon sa kanilang makasalanang pagkatao ay walang ibang iniisip kundi ang nais ng kanilang pagkatao. Ngunit ang tao namang namumuhay ayon sa Espiritu ay walang ibang iniisip kundi ang nais ng Espiritu.
I-explore Mga Taga-Roma 8:5
13
Mga Taga-Roma 8:32
Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait sa halip ay ibinigay para sa atin, tiyak na ibibigay rin niya sa atin ang lahat ng bagay.
I-explore Mga Taga-Roma 8:32
14
Mga Taga-Roma 8:16-17
Ang Espiritu at ang ating espiritu ay parehong nagpapatunay na tayoʼy mga anak ng Diyos. At bilang mga anak, mga tagapagmana tayo ng lahat ng pagpapalang inilaan ng Diyos para sa mga anak niya. At tayoʼy kasama ni Kristo na magmamana ng mga inihanda ng Diyos para sa kanya. Sapagkat kung magtitiis tayo kasama ni Kristo, makakasama rin tayo sa kanyang kaluwalhatian.
I-explore Mga Taga-Roma 8:16-17
15
Mga Taga-Roma 8:7
Sapagkat ang taong sumusunod sa nais ng kanyang makasalanang pagkatao ay kalaban ng Diyos. Hindi siya sumusunod sa kautusan ng Diyos, at talagang hindi niya magawang sumunod.
I-explore Mga Taga-Roma 8:7
16
Mga Taga-Roma 8:19
Maging ang buong nilikha ay sabik na naghihintay na ihayag ng Diyos ang mga anak niya.
I-explore Mga Taga-Roma 8:19
17
Mga Taga-Roma 8:22
Alam natin na hanggang ngayon, ang buong nilikha ay dumaraing dahil itoʼy dumaranas ng matinding paghihirap na tulad ng isang babaeng nanganganak.
I-explore Mga Taga-Roma 8:22
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas