Ngunit lumapit pa ang babae kay Hesus at lumuhod sa harap niya, at sinabi, “Panginoon, tulungan nʼyo po ako!”
Sinagot siya ni Hesus, “Hindi tamang kunin ang pagkain ng mga anak at ihagis sa mga aso.”
Sumagot naman ang babae, “Tama po kayo, Panginoon, ngunit kahit ang mga aso ay kumakain ng mga tirang nahuhulog mula sa mesa ng kanilang amo.”