1
Mateo 14:30-31
Ang Salita ng Diyos
ASD
Ngunit nang mapansin niyang malakas ang hangin, natakot siya at unti-unting lumubog. Kaya sumigaw siya, “Panginoon, iligtas nʼyo ako!” Agad naman siyang inabot ni Hesus at sinabi, “Kay liit ng pananampalataya mo. Bakit ka nag-alinlangan?”
Paghambingin
I-explore Mateo 14:30-31
2
Mateo 14:30
Ngunit nang mapansin niyang malakas ang hangin, natakot siya at unti-unting lumubog. Kaya sumigaw siya, “Panginoon, iligtas nʼyo ako!”
I-explore Mateo 14:30
3
Mateo 14:27
Ngunit agad na nagsalita si Hesus, “Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob.”
I-explore Mateo 14:27
4
Mateo 14:28-29
Sumagot si Pedro sa kanya, “Panginoon, kung kayo nga iyan, papuntahin nʼyo ako diyan na naglalakad din sa tubig.” “Halika,” sabi ni Hesus. Kaya bumaba si Pedro sa bangka at naglakad sa tubig patungo kay Hesus.
I-explore Mateo 14:28-29
5
Mateo 14:33
At sinamba siya ng mga nasa bangka at sinabi, “Talagang kayo nga po ang Anak ng Diyos.”
I-explore Mateo 14:33
6
Mateo 14:16-17
Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, “Hindi na nila kailangang umalis. Kayo ang magpakain sa kanila.” Sumagot sila, “Mayroon lang po tayong limang tinapay at dalawang isda.”
I-explore Mateo 14:16-17
7
Mateo 14:18-19
“Dalhin ninyo ang mga ito sa akin,” ang sabi ni Hesus. Inutusan niya ang mga tao na maupo sa damuhan. Kinuha ni Hesus ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang tinapay at ibinigay sa mga alagad niya para ipamigay sa mga tao.
I-explore Mateo 14:18-19
8
Mateo 14:20
Kumain silang lahat at nabusog. Pagkatapos, tinipon nila ang natirang pagkain, at nakapuno sila ng labindalawang kaing.
I-explore Mateo 14:20
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas