Ngunit ito ang sagot nina Zerubabel, Jeshua, at ng mga pinuno ng mga pamilya: “Inutusan kami ni Haring Ciro ng Persia na muling ipatayo ang Templo. Ngunit hindi kayo kasama sa pagpapatayo nito para sa aming Diyos. Kami lang ang magpapatayo nito para sa PANGINOON, ang Diyos ng Israel.”