1
Ezekiel 7:19
Ang Salita ng Diyos
ASD
“ ‘Itatapon nila sa mga lansangan ang mga pilak at ginto nila na parang maruruming bagay. Hindi sila maililigtas ng mga ito sa araw ng paghatol ng PANGINOON. Hindi rin nila ito makakain upang mabusog sila sapagkat ito ang dahilan kung bakit sila nagkasala.
Paghambingin
I-explore Ezekiel 7:19
2
Ezekiel 7:27
Magdadalamhati ang hari at mawawalan ng pag-asa ang kanyang mga tagapamahala. Ang mga taoʼy manginginig sa takot. Parurusahan ko sila ayon sa kanilang pamumuhay. Hahatulan ko sila kung paano nila hinatulan ang iba. At malalaman nila na ako ang PANGINOON.’ ”
I-explore Ezekiel 7:27
3
Ezekiel 7:4
Hindi ko na kayo kahahabagan. Hindi ko kayo pagbibigyan. Hahatulan ko kayo sa inyong pamumuhay at sa inyong kasuklam-suklam na ginawa. Kaya malalaman ninyo na ako ang PANGINOON.’
I-explore Ezekiel 7:4
4
Ezekiel 7:9
Hindi ko kayo kahahabagan; hindi ko kayo pagbibigyan. Pagbabayarin ko kayo ayon sa inyong pamumuhay at sa mga kasuklam-suklam na ginawa ninyo. At ditoʼy malalaman ninyong ako, ang PANGINOON, ang nagparusa sa inyo.
I-explore Ezekiel 7:9
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas