Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 63:3

Pusong Sumasamba
5 Araw
Ang 5-araw na gabay na ito mula sa Mga Awit 63 ay ipinapaliwanag ang pusong sumasamba ni David. Malalaman mo na tayo ay buhay na handog para sambahin ang Diyos nang buong puso, malaya at madamdamin. Sinamba ni David ang Diyos dahil alam niya kung gaano siya kamahal Nito. Ang matinding pag-ibig ni David mula sa Diyos ang pinagmulan ng kanyang puso para sa Diyos. Ang gabay na ito ay hihimukin ka upang magkaroon ng isang pusong sumasamba.

Ayon sa Puso ng Diyos
5 Araw
Si Haring David ay inilarawan sa Bagong Tipan bilang isang tao ayon sa sariling puso ng Diyos, ibig sabihin ay inihanay niya ang kanyang sariling puso sa puso ng Diyos. Habang pinag-aaralan natin ang buhay ni David, ang layunin natin para sa seryeng ito ay suriin ang mga bagay na ginawa ni David sa 1 at 2 Samuel upang hubugin ang ating mga puso ayon sa Diyos at maging kasing init ni David sa pagtutuon at sa espiritu na nakita sa buong buhay niya.

Pagsasalitang Nagbibigay-buhay
6 na Araw
Mga salita, salita, salita, mga salitang puno ng kapangyarihan! Mga salitang makakabuti o mga salitang makakasira. Nasa atin ang pagpili. Siyasatin natin ang makabuluhang kapangyarihang taglay ng ating mga salita.

Crazy Love kasama si Francis Chan
7 Araw
Kinuha mula sa kanyang New York Times bestselling na aklat na pinamagatang "Crazy Love," masusing tinatalakay ni Francis Chan ang kamangha-manghang hibang na pag-ibig ng Diyos para sa atin, at kung ano ang angkop nating tugon sa gayong uri ng pag-ibig. Ngunit hindi siya humihinto roon, hinahamon niya tayo na pag-isipan ang kadakilaan ng Diyos at ang malaking kaibahan sa pagitan ng Kanyang walang hanggang kamahalan at ang ating pansamantalang buhay dito sa lupa.

NAGBIBIGAY SIGLANG MGA TALATA KUNG IKAW AY HINDI NASISIYAHAN
7 Araw
Ang debosyon na ito ay naglalaman ng mga nakakapagbigay siglang mga talata sa Bibliya kung ikaw ay hindi nasisiyahan. Hayaang palakasin ng mga talatang ito sa Bibliya ang iyong espirituwal na buhay

Babasahing Gabay na Ang Mas Mabuti
28 Araw
Ikaw ba ay napupuno, nalulungkot, at nakakaramdam nang pagkabaon sa isang sitwasyon? Nais mo bang bumuti ang iyong pangaraw-araw na buhay? Ang Salita ng Diyos ang iyong gabay tungo sa mas magagandang mga araw. Sa 28-araw na babasahing gabay na ito, iyong matutuklasan ang mga paraan kung paano mas mapaganda ang iyong buhay na kalugod-lugod sa Kanya.