Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 46:1

Paglalakad sa mga Lambak na Espirituwal
5 Araw
Bilang mga tagasunod ni Cristo, gusto nating lahat na nasa tuktok ng bundok ang mga karanasan natin sa ating pananampalataya. Subalit madalas na kapag ang ating espiritu ay nasa lambak ay doon tayo natututo at lumalago, at doon ang pananampalataya natin ay lumalawak. Pagkatapos basahin ang 5-araw na Gabay, magkakaroon ka ng kaalaman para kayanin ang mga kalungkutan ng espiritu nang may pagpapala at pag-asa at patatagin ng kaalamang ang Diyos ay gumagawa kahit na hindi natin ito nararamdaman.

Katiyakan sa mga Oras ng Pag-aalinlangan
5 Araw
Sa gitna ng pag-aalinlangan, ang Diyos ay tiyak! Samahan si David Villa sa kanyang pinakabagong gabay habang tinitingnan niya ang mga bagay na higit pa sa mga walang katiyakan at mga negatibong bagay upang maabot ang mas dakilang bagay.

Kapighatian
Pitong Araw
Ang kapighatian ay maaaring danasin sa maraming antas at sa maraming kadahilanan. Hindi madaling makatakas sa kapighatian at hindi din kailanman naging madali ang makisama sa isang taong namimighati. Pinagpipighati na ba kita? Gayon pa man, may pagkakaiba ang namimighati sa nabubuhay sa kapighatian. Ngunit, nagsisimula ang pamumuhay sa kapighatian kung hindi makayanan ng isang tao ang isang pangyayari na nagdulot ng pagpipighati. Sa madaling sabi, mas mabuting malaman kung paano ang gagawin kung ikaw ay nakakaramdam ng pagpipighati bago pa ito lumala at lumalim. Ang kapighatian ay bunga ng isang mas malalim na bagay. Payapain ang iyong sarili sa Panginoon at hayaan mong sya ang iyong maging tagapagpayo.

Ang Aking Anak ay Naiiba: Pagsuporta Para sa Hirap at Ginhawa
8 Araw
Ang Gabay sa Biblia na ito ay para sa mga magulang ng mga bata na may kapansanan, naiiba, o may pantanging pangangailangan ng anumang uri—nasaang bahagi ka man ng iyong lakbayin. Magbasa mula sa ibang mga magulang at tagapagtaguyod kung paano humarap sa lahat ng mga nararamdaman, paglutas ng mga pagsubok, at masiyahan sa tagumpay pagdating sa pagpapalaki ng bata na naiiba.

Paghahanap ng Katotohanan ng Diyos Sa Mga Bagyo ng Buhay
10 Araw
Bilang mga Cristiano, hindi tayo ligtas sa mga kaguluhan sa mundong ito. At sa totoo lang, sinasabi sa Juan 16:33 na darating sila. Kung ikaw ay nahaharap sa mga unos ng buhay ngayon, ang debosyonal na ito ay para sa iyo. Ito ay isang paalala ng pag-asa na magdadala sa atin sa mga unos ng buhay. At kung wala kang anumang paghihirap sa sandaling ito, bibigyan ka nito ng pundasyon na tutulong sa iyo sa mga pagsubok sa hinaharap.