Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mateo 6:19

Chasing Carrots
7 Araw
Lahat tayo ay may hinahabol na isang bagay. Madalas ito ay isang bagay na hindi maabot—mas magandang trabaho, mas komportableng tahanan, isang perpektong pamilya, ang papuri ng ibang tao. Ngunit hindi ba nakakapagod ito? May mas mainam na paraan ba? Tuklasin ito sa bagong Gabay sa Biblia ng Life.Church, kasama ng serye ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel, ang Chasing Carrots.

7 Araw Tungo sa Pagiging Mas Mapagbigay na Tao
7 Araw
Ang Mapagbigay na Pamumuhay ay hindi lang patungkol sa mga bagay na ginagawa natin—ito'y pusong hinahayaan nating linangin ng Diyos sa loob natin. Ito ay isang paglalakbay ng puso at sa pagtanaw na ang lahat ng mayroon tayo ay kaloob mula sa Diyos. Sa Gabay sa Biblia na ito, matutuklasan natin na ang mapagbigay na pamumuhay ay labis na higit pa sa ating personal na pananalapi—ito'y pamumuhay na nakatuon sa iba.

Mabuting Balita: Pagpapalakas ng Loob sa Mundong nasa Krisis
7 Araw
Nabubuhay tayo sa panahong hindi natutulad sa anumang naranasan natin noon dahil sa pandemikong COVID-19. Saan natin mahahanap ang pag-asa at “mabuting balita” sa kalagitnaan ng walang-patid na masasamang balita? Para sa mga tagasunod ni Jesus, palaging may Mabuting Balita. Sa 7-araw na Gabay na ito, pag-aaralan natin ang ilang mga pangakong masusumpungan sa ating mabuting Diyos at ang pananampalatayang kakailanganin natin upang manindigan sa mga ito.

Mga Aral ni Hesus: Mga Tamang Pasya at Pagpapalang Pangmatagalan
7 Araw
Maraming bagay ang itinuro ni Hesus – walang hanggang pagpapala, pangangalunya, pananalangin, at iba pa. Ano ang kahulugan nito sa kasalukuyang panahon? Isang maikling video ng katuruan ni Hesus ang mapapanood bawat araw sa gabay na ito.

Pagbibigay ng Lahat... At Pagbawi Muli ng Lahat
9 na Araw
Kinuha mula sa librong, Giving It All Away... and Getting It All Back Again, ibinahagi ni David Green, nagtatag at CEO ng Hobby Lobby, na ang isang bukas-palad na buhay ay naghahandog ng pinakamagandang personal na gantimpala, nagbibigay ng isang matibay na pamana sa iyong pamilya, at nagbabago sa iyong mga nakakasalamuha.

Mga Postura sa Panahon ng Adbiyento: Isang Pang-araw-araw na Debosyonal sa Pasko
27 Araw
Napakalaking kaibahan ng ating karanasan patungkol sa himala ng Adbiyento depende sa kung paano natin iniaayos ang ating mga sarili sa panahon ng Pasko. Magkaroon ng saloobing sumuko kay Jesus, muling tumutok sa Kanya, at yakapin ang biyaya ng ating Hari sa 4 na linggong pang-araw-araw na debosyonal na ito habang ikaw ay kumikilos sa limang magkakaibang postura: Nakapikit ang mga Mata, Nakatunghay, Nakaluhod, Nakabukas ang mga Kamay, at Nakabukas ang mga Braso.

Babasahing Gabay na Ang Mas Mabuti
28 Araw
Ikaw ba ay napupuno, nalulungkot, at nakakaramdam nang pagkabaon sa isang sitwasyon? Nais mo bang bumuti ang iyong pangaraw-araw na buhay? Ang Salita ng Diyos ang iyong gabay tungo sa mas magagandang mga araw. Sa 28-araw na babasahing gabay na ito, iyong matutuklasan ang mga paraan kung paano mas mapaganda ang iyong buhay na kalugod-lugod sa Kanya.