Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Isaias 9:3

Mga Alaala ng Pasko ni Corrie Ten Boom
3 Araw
Sa Gabay na ito sa pagbasa, titingnan natin ang Isaias 9 at malalaman ang tungkol sa mga Pasko na ipinagdiriwang ni Corrie ten Boom noong kanyang pagkabata; bago ang panahon ng digmaan at sa kampong piitan Ravensbrück 1944. Sinulat ni Corrie ang tungkol sa mga Paskong ito sa 'Corrie's Christmas Memories' (1976).

Ang Ipinangako
5 Mga Araw
Ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng mundo ay nang magkatawang-tao at manirahan sa atin si Jesus, ang Ilaw ng Sanlibutan. Ipinahayag ng mga anghel ang kanyang pagdating, may mga tulang naisulat, nagtakbuhan ang mga pastol, at si Maria ay umawit! Samahan ninyo kami sa limang araw na pag-aaral at pagkilala sa Kanyang liwanag—kung paano ito naging inspirasyon sa mga nakapaligid sa Kanya at ano ang epekto nito sa atin ngayon.

Muling Pagtuklas sa Kapaskuhan
24 na Araw
Magsimula ng isang bagong tradisyon ng Pasko na may hindi tradisyonal na twist sa panahon ng Adbiyento. Ang tamang-tamang petsa para simulan ang kaugalian na ito ay Disyembre 1, samantalang ang mas maagang pagsisimula ay magbibigay nang mas nakakarelaks na bilis. Isama ang mga tanong para sa pagninilay at mga hakbanging kailangang gawin upang ang bawat araw ay nakasentro kay Cristo. Mahusay para sa mga individwal, pamilya o maliliit na grupo.

Ang Hiwaga ng Pasko
24 na Araw
Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.