1
MARCOS 8:35
Ang Biblia, 2001
ABTAG01
Sapagkat ang sinumang nagnanais iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito at ang sinumang mawalan ng kanyang buhay dahil sa akin at sa ebanghelyo ay maililigtas iyon.
เปรียบเทียบ
สำรวจ MARCOS 8:35
2
MARCOS 8:36
Sapagkat ano ang mapapakinabang ng tao na makamtan ang buong sanlibutan, at mapahamak ang kanyang buhay?
สำรวจ MARCOS 8:36
3
MARCOS 8:34
Tinawag niya ang maraming tao pati ang kanyang mga alagad, at sa kanila'y sinabi, “Kung ang sinuman ay nagnanais sumunod sa akin, siya ay tumanggi sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin.
สำรวจ MARCOS 8:34
4
MARCOS 8:37-38
Sapagkat anong maibibigay ng tao na kapalit ng kanyang buhay? Sapagkat ang sinumang ikinahihiya ako at ang aking mga salita sa mapangalunya at makasalanang salinlahing ito ay ikahihiya rin naman siya ng Anak ng Tao, pagdating niyang nasa kaluwalhatian ng kanyang Ama na kasama ng mga banal na anghel.”
สำรวจ MARCOS 8:37-38
5
MARCOS 8:29
At tinanong niya sila, “Ngunit, sino ako ayon sa sinasabi ninyo?” Sumagot si Pedro at sinabi sa kanya, “Ikaw ang Cristo.”
สำรวจ MARCOS 8:29