1
Mga Awit 91:2
Magandang Balita Biblia (2005)
MBB05
ay makakapagsabi kay Yahweh: “Muog ka't kanlungan, ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.”
เปรียบเทียบ
สำรวจ Mga Awit 91:2
2
Mga Awit 91:1
Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan, at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan
สำรวจ Mga Awit 91:1
3
Mga Awit 91:15
Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan, aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan; aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.
สำรวจ Mga Awit 91:15
4
Mga Awit 91:11
Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan.
สำรวจ Mga Awit 91:11
5
Mga Awit 91:4
Lulukuban ka niya sa lilim ng kanyang malapad na pakpak, at sa kalinga niya ay palagi ka ngang nakakatiyak; iingatan niya't ipagsasanggalang, pagkat siya'y matapat.
สำรวจ Mga Awit 91:4
6
Mga Awit 91:9-10
Sapagkat si Yahweh ang iyong ginawang tagapagsanggalang, at ang pinili mong mag-iingat sa iyo'y Kataas-taasan. Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasan kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan.
สำรวจ Mga Awit 91:9-10
7
Mga Awit 91:3
Sa panganib at bitag ika'y kanyang ililigtas, at kahit ano mang matinding salot ay di ka magdaranas.
สำรวจ Mga Awit 91:3
8
Mga Awit 91:7
Kahit na mabuwal sa iyong harapan ang sanlibong tao, sa iyong paligid ang bilang ng patay maging sampung libo; di ka matatakot, at natitiyak mong di ka maaano.
สำรวจ Mga Awit 91:7
9
Mga Awit 91:5-6
Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anumang bagay, maging sa gagawing biglaang paglusob ng mga kaaway. Ni sa ano pa mang darating na salot pagkagat ng dilim, sa pagpuksa'y wala kang takot, sa araw man dumating.
สำรวจ Mga Awit 91:5-6