Mga Kawikaan 31:29-31
Mga Kawikaan 31:29-31 RTPV05
“Maraming babae na mabuting asawa, ngunit sa kanila'y nakahihigit ka.” Mandaraya ang pang-akit at kumukupas ang ganda, ngunit ang babaing gumagalang at sumusunod kay Yahweh ay pararangalan. Ibigay sa kanya ang lahat ng parangal, karapat-dapat siya sa papuri ng bayan.








