Marcos 4:1, 2, 3, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, 13, 14, 15, 16, 17, 18, 19, 20
Marcos 4:2 RTPV05
at sila'y tinuruan niya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinhaga. Ganito ang sinabi niya
Marcos 4:5 RTPV05
May mga binhi namang nalaglag sa batuhan. Bagama't kaunti lamang ang lupa roon, agad sumibol ang mga binhing iyon.
Marcos 4:6 RTPV05
Ngunit nang tumindi ang sikat ng araw, nalanta at natuyo ang mga binhing tumubo, palibhasa'y hindi ito masyadong nag-ugat.
Marcos 4:10 RTPV05
Nang nag-iisa na si Jesus, ang ilan sa mga nakikinig ay lumapit sa kanya kasama ang Labindalawa. Hiniling nilang ipaliwanag niya ang talinhaga.
Marcos 4:13 RTPV05
Pagkatapos, tinanong sila ni Jesus, “Hindi pa ba ninyo nauunawaan ang talinhagang ito? Paano ninyo mauunawaan ang iba pang mga talinhaga?
Marcos 4:14 RTPV05
Ito ang kahulugan ng talinhaga: ang binhing inihahasik ay ang mensahe tungkol sa kaharian ng Diyos
Marcos 4:16 RTPV05
“Ang katulad ng mga binhing nalaglag sa batuhan ay ang mga taong nakikinig at malugod na tumatanggap sa mensahe ng Diyos.
Marcos 4:18 RTPV05
“Ito naman ang kahulugan ng mga binhing nalaglag sa may damuhang matinik. May mga taong nakikinig ng mensahe ng Diyos