Mateo 8:1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 9, 10, 11, 12, 13, 14, 15, 16, 17
Mateo 8:3 RTPV05
Hinawakan siya ni Jesus at sinabi, “Oo, nais kong gumaling ka at maging malinis.” At gumaling at luminis nga agad ang ketongin.
Mateo 8:5 RTPV05
Pagpasok ni Jesus sa Capernaum, lumapit sa kanya ang isang opisyal ng hukbong Romano at nakiusap
Mateo 8:6 RTPV05
“Ginoo, ang katulong ko po ay naparalisado. Siya po'y nakaratay sa bahay at lubhang nahihirapan.”
Mateo 8:11 RTPV05
Tandaan ninyo: marami ang darating buhat sa silangan at sa kanluran at dudulog sa hapag na kasalo nina Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng langit.
Mateo 8:12 RTPV05
Ngunit ang mga taong dapat sana'y kasama sa kaharian ay itatapon sa kadiliman; mananangis sila doon at magngangalit ang kanilang mga ngipin.”
Mateo 8:14 RTPV05
Pumunta si Jesus sa bahay ni Pedro at nakita niya roon ang biyenan nito na nakaratay at nilalagnat.
Mateo 8:15 RTPV05
Hinawakan ni Jesus ang kamay ng babae at ito'y gumaling agad, bumangon at nagsimulang maglingkod sa kanya.
Mateo 8:17 RTPV05
Sa gayon, natupad ang sinabi ni Propeta Isaias, “Inalis niya ang ating mga kahinaan, pinagaling ang ating mga karamdaman.”