Lucas 5:17, 18, 19, 20, 21, 22, 23, 24, 25, 26
Lucas 5:19 RTPV05
Wala silang madaanan dahil sa dami ng tao, kaya't umakyat sila sa bubungan, binakbak ito at ibinabâ sa harapan ni Jesus ang paralitikong nasa higaan.
Lucas 5:20 RTPV05
Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, “Kaibigan, pinapatawad ka na sa iyong mga kasalanan.”
Lucas 5:22 RTPV05
Palibhasa'y alam ni Jesus ang kanilang pag-uusap, sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo nag-iisip nang ganyan?
Lucas 5:23 RTPV05
Alin ba ang mas madaling sabihin, ‘Pinapatawad ka na sa iyong mga kasalanan,’ o ‘Tumayo ka at lumakad’?
Lucas 5:25 RTPV05
Agad namang tumayo ang lalaki, at sa harap ng lahat ay binuhat niya ang kanyang higaan at umuwing nagpupuri sa Diyos.
Lucas 5:26 RTPV05
Nanggilalas ang mga naroroon at nagpuri sila sa Diyos. Sila'y namangha at nagsabi, “Kahanga-hanga ang mga bagay na nasaksihan natin ngayon!”