Lucas 3:1, 2, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, 13, 14, 15, 16, 17, 18, 19, 20, 21, 22
Lucas 3:5 RTPV05
Matatambakan ang bawat libis, at mapapatag ang bawat burol at bundok. Matutuwid ang daang liku-liko, at mapapatag ang daang baku-bako.
Lucas 3:9 RTPV05
Ngayon pa ma'y nakahanda na ang palakol sa ugat ng mga punongkahoy; ang bawat punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy.”
Lucas 3:11 RTPV05
Sumagot siya sa kanila, “Kung mayroon kang dalawang balabal, ibigay mo ang isa sa wala. Ganyan din ang gawin ng may pagkain.”
Lucas 3:12 RTPV05
Dumating din ang mga maniningil ng buwis upang magpabautismo. Sila'y nagtanong sa kanya, “Guro, ano po ang dapat naming gawin?”
Lucas 3:15 RTPV05
Nananabik noon ang mga tao sa pagdating ng Cristo, at inakala nilang si Juan mismo ang kanilang hinihintay.
Lucas 3:18 RTPV05
Marami pang bagay na ipinapangaral si Juan sa mga tao sa kanyang pamamahayag ng Magandang Balita.
Lucas 3:20 RTPV05
Dahil dito'y ipinabilanggo ni Herodes si Juan, at ito'y nadagdag pa sa mga kasalanan ni Herodes.
Lucas 3:21 RTPV05
Nang mabautismuhan na ni Juan ang mga tao, binautismuhan din niya si Jesus. Habang nananalangin si Jesus, nabuksan ang langit