Juan 2:13, 14, 15, 16, 17, 18, 19, 20, 21, 22, 23, 24, 25
Juan 2:14 RTPV05
Nakita niya sa Templo ang mga nagtitinda ng mga baka, tupa at kalapati, at ang mga namamalit ng salapi.
Juan 2:16 RTPV05
Pinagsabihan niya ang mga nagtitinda ng kalapati, “Alisin ninyo rito ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!”
Juan 2:17 RTPV05
Naalala ng kanyang mga alagad ang sinasabi sa kasulatan, “Ang malasakit ko sa iyong tahanan, matinding-matindi sa aking kalooban.”
Juan 2:18 RTPV05
Dahil dito'y tinanong siya ng mga pinuno ng Judio, “Anong himala ang maipapakita mo upang patunayang may karapatan kang gawin ito?”
Juan 2:19 RTPV05
Sumagot si Jesus, “Gibain ninyo ang Templong ito, at sa loob ng tatlong araw ay muli ko itong itatayo.”
Juan 2:20 RTPV05
Sinabi ng mga pinuno ng Judio, “Apatnapu't anim na taóng ginawa ang Templong ito, at itatayo mo sa loob lamang ng tatlong araw?”
Juan 2:23 RTPV05
Nang Pista ng Paskwa ay nasa Jerusalem si Jesus. Marami ang sumampalataya sa kanya nang makita nila ang mga himalang ginagawa niya.
Juan 2:24 RTPV05
Subalit hindi nagtiwala sa kanila si Jesus, sapagkat alam niya ang kanilang mga iniisip.
Juan 2:25 RTPV05
Hindi na kailangang may magsabi pa sa kanya tungkol sa kaninuman, sapagkat nalalaman niya ang kalooban ng lahat ng tao.