Juan 1:35, 36, 37, 38, 39, 40, 41, 42, 43, 44, 45, 46, 47, 48, 49, 50, 51
Juan 1:36 RTPV05
Nang makita niya si Jesus na nagdaraan ay kanyang sinabi, “Siya ang Kordero ng Diyos!”
Juan 1:40 RTPV05
Ang isa sa dalawang alagad na nakarinig kay Juan at sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro.
Juan 1:46 RTPV05
“May mabuti bang maaaring magmula sa Nazaret?” tanong ni Nathanael. Sumagot si Felipe, “Halika't tingnan mo.”
Juan 1:47 RTPV05
Nang malapit na si Nathanael ay sinabi ni Jesus, “Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita. Wala siyang anumang pagkukunwari.”
Juan 1:49 RTPV05
Sumagot si Nathanael, “Guro, kayo nga po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!”
Juan 1:50 RTPV05
Sinabi ni Jesus, “Sumampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Higit pa riyan ang masasaksihan mo.”