Zephaniah 1
1
1 #
2 K 22.1—23.30; 2 Ch 34.1—35.27. I am Zephaniah, the son of Cushi, the grandson of Gedaliah, the great-grandson of Amariah, and the great-great-grandson of Hezekiah.#1.1 Hezekiah: Ruled 716–687 b.c.
When Josiah son of Amon was king of Judah,#1.1 Josiah … king of Judah: Ruled 640–609 b.c. the Lord gave me this message.
Judgment on Judah
2I, the Lord, now promise
to destroy everything
on this earth—
3people and animals,
birds and fish.
Everyone who is evil
will crash to the ground,#1.3 Everyone … ground: One possible meaning for the difficult Hebrew text.
and I will wipe out
the entire human race.
4I will reach out to punish
Judah and Jerusalem—
nothing will remain
of the god Baal;#1.4 Baal: A Canaanite fertility god.
nothing will be remembered
of his pagan priests.
5Not a trace will be found
of those who worship stars
from their rooftops,
or bow down to the god Milcom,#1.5 Milcom: An Ammonite fertility god.
while claiming loyalty
to me, the Lord.
6Nothing will remain of anyone
who has turned away
and rejected me.
7Be silent! I am the Lord God,
and the time is near.
I am preparing
to sacrifice my people
and to invite my guests.
8On that day I will punish
national leaders
and sons of the king,
along with all who follow
foreign customs.#1.8 follow foreign customs: Hebrew “wear foreign clothes.”
9I will punish worshipers
of pagan gods#1.9 worshipers … gods: The Hebrew text has “all who jump over the threshold,” which was a Philistine religious practice (see 1 Samuel 5.5).
and cruel palace officials
who abuse their power.
10I, the Lord, promise
that on that day
noisy crying will be heard
from Fish Gate, New Town,
and Upper Hills.
11Everyone in Lower Hollow#1.10,11 Fish Gate, New Town, and Upper Hills … Lower Hollow: Names for different sections of Jerusalem: Fish Gate was probably the main gate on the north side of the city; New Town was a newer section; Upper Hills may have been a suburb north of the city; Lower Hollow was probably on the southern edge of town.
will mourn loudly,
because merchants
and money changers
will be wiped out.
12I'll search Jerusalem with lamps
and punish those people
who sit there unworried
while thinking,
“The Lord won't do anything,
good or bad.”
13Their possessions will be taken,
their homes left in ruins.
They won't get to live
in the houses they build,
or drink wine from the grapes
in their own vineyards.
A Terrible Day
14The great day of the Lord
is coming soon, very soon.
On that terrible day,
fearsome shouts of warriors
will be heard everywhere.
15It will be a time of anger—
of trouble and torment,
of disaster and destruction,
of darkness and despair,
of storm clouds and shadows,
16of trumpet calls
and battle cries
against fortified cities
and mighty fortresses.
17The Lord warns everyone
who has sinned against him,
“I'll strike you blind!
Then your blood and your insides
will gush out like vomit.
18Not even your silver or gold
can save you on that day
when I, the Lord, am angry.
My anger will flare up
like a furious fire
scorching the earth
and everyone on it.”
Currently Selected:
Zephaniah 1: CEV
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Contemporary English Version, Second Edition (CEV®)
© 2006 American Bible Society. All rights reserved.
Zefanias 1
1
Ang Araw ng Paghatol ni Yahweh
1Ang#2 Ha. 22:1–23:30; 2 Cro. 34:1–35:27. aklat na ito ay naglalaman ng mga pahayag ni Yahweh sa pamamagitan ni Propeta Zefanias, anak ni Cusi at apo ni Gedalias; si Gedalias ay anak ni Amarias at apo ni Hezekias. Tinanggap ni Zefanias ang pahayag na ito nang si Josias na anak ni Ammon ang hari sa Juda.
2“Wawasakin ko ang lahat ng bagay
sa balat ng lupa,” sabi ni Yahweh.
3“Pupuksain ko ang lahat ng tao at hayop;
papatayin ko ang mga ibon sa himpapawid
at ang mga isda sa dagat.
Ibabagsak ko ang masasama;
lilipulin ko ang sangkatauhan
sa balat ng lupa,” sabi ni Yahweh.
4“Paparusahan ko ang lahat ng mamamayan ng Juda at ng Jerusalem.
Wawasakin ko rin sa dakong ito ang mga nalalabing bakas ng pagsamba kay Baal
at lubusan nang malilimutan ang mga paring naglilingkod sa mga diyus-diyosan.
5Kabilang dito ang mga umaakyat sa kanilang bubungan
upang sumamba sa araw, sa buwan at sa mga bituin.
Ang mga taong kunwa'y nanunumpa sa pangalan ni Yahweh
ngunit sa pangalan naman pala ni Milcom;
6silang mga tumalikod na sa paglilingkod kay Yahweh
at hindi na humihingi ng patnubay sa kanya.”
7Tumahimik kayo sa harapan ng Panginoong Yahweh!
Sapagkat malapit nang dumating ang araw ni Yahweh.
Inihanda na niya ang kanyang bayan upang ialay,
at inanyayahan niya ang kanyang mga panauhin upang wasakin ang Juda.
8Sa araw na iyon, sasabihin ni Yahweh,
“Paparusahan ko ang mga pinuno at ang mga anak ng hari,
gayundin ang lahat ng tumutulad sa pananamit ng mga dayuhan.
9Paparusahan ko rin ang mga sumasamba sa mga diyus-diyosan,
gayundin ang mga nagnanakaw at pumapatay
upang may mailagay lamang sa bahay ng kanilang panginoon.”
10Sinabi rin ni Yahweh, “Sa araw na iyon,
maririnig ang malakas na pagtangis ng mga tao sa pintuang tinatawag na Isda,
mga panaghoy mula sa bagong bahagi ng lunsod,
at malalakas na ingay dahil sa pagguho ng mga gusali sa mga burol.
11Tumangis kayo, mga naninirahan sa mababang lugar ng lunsod!
Patay nang lahat ang mga mangangalakal;
ang mga nagtitimbang ng pilak ay wala na.
12“Sa panahong iyon ay gagamit ako ng ilawan
upang halughugin ang Jerusalem.
Paparusahan ko ang mga taong labis na nagtitiwala sa sarili
at nagsasabing,
‘Si Yahweh ay walang gagawin para sa ating ikabubuti o ikasasamâ.’
13Sasamsamin ang kanilang kayamanan,
at sisirain ang kanilang mga bahay.
Magtatayo sila ng mga bahay ngunit hindi nila matitirhan;
magtatanim sila ng mga ubas ngunit hindi sila makakatikim ng alak nito.”
14Malapit na ang dakilang araw ni Yahweh,
at ito'y mabilis na dumarating.
Kapaitan ang dulot ng araw na iyon;
maging ang matatapang ay iiyak nang malakas.
15Iyon ay araw ng poot, ligalig at dalamhati,
araw ng pagkasira at pagkawasak,
araw ng kadiliman at kalungkutan,
araw ng maitim at makakapal na ulap.
16Araw ng pagtunog ng trumpeta at ng sigawan ng mga sumasalakay
sa mga napapaderang lunsod at nagtataasang tore.
17Padadalhan ko ng matinding kalungkutan ang mga tao;
lalakad sila na parang bulag,
sapagkat nagkasala sila laban kay Yahweh.
Mabubuhos na parang tubig ang kanilang dugo,
at mangangalat ang kanilang bangkay na parang basura.
18Hindi sila maililigtas ng kanilang pilak o ginto
sa araw ng poot ni Yahweh.
Matutupok sa apoy ng kanyang mapanibughuing poot
ang buong daigdig,
sapagkat bigla niyang wawasakin
ang lahat ng naninirahan sa lupa.
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
New Testament © 2012 Philippine Bible Society
Old Testament © 2005 Philippine Bible Society