Zechariah 8
8
The Lord's Promises to Zion
1The Lord All-Powerful said to me:
2I love Zion so much that her enemies make me angry. 3I will return to Jerusalem and live there on Mount Zion. Then Jerusalem will be known as my faithful city, and Zion will be known as my holy mountain.
4Very old people with walking sticks will once again sit around in Jerusalem, 5while boys and girls play in the streets. 6This may seem impossible for my people who are left, but it isn't impossible for me, the Lord All-Powerful. 7I will save those who were taken to lands in the east and the west, 8and I will bring them to live in Jerusalem. They will be my people, and I will be their God, faithful to bring about justice.
9I am the Lord All-Powerful! So don't give up. Think about the message my prophets spoke when the foundation of my temple was laid. 10Before that time, neither people nor animals were rewarded for their work, and no one was safe anywhere, because I had turned them against each other.
11My people, only a few of you are left, and I promise not to punish you as I did before. 12Instead, I will make sure that your crops are planted in peace and your vineyards are fruitful, that your fields are fertile, and the dew falls from the sky. 13People of Judah and Israel, you have been a curse to the nations, but I will save you and make you a blessing to them. So don't be afraid or lose courage.
14When your ancestors made me angry, I decided to punish you with disasters, and I didn't hold back. 15Now you no longer need to be afraid. I have decided to treat Jerusalem and Judah with kindness. 16#Eph 4.25. But you must be truthful with each other, and in court you must give fair decisions that lead to peace. 17Don't ever plan evil things against others or tell lies under oath. I, the Lord, hate such things.
A Time of Celebration
18The Lord All-Powerful told me to say:
19People of Judah, I, the Lord, demand that whenever you go without food as a way of worshiping me, it should become a time of celebration. No matter if it's the fourth month, the fifth month, the seventh month, or the tenth month, you should have a joyful festival. So love truth and live at peace.
20I tell you that people will come here from cities everywhere. 21Those of one town will go to another and say, “We're going to ask the Lord All-Powerful to treat us with kindness. Come and join us.”
22Many people from strong nations will come to Jerusalem to worship me and to ask me to treat them with kindness. 23When this happens, ten people from nations with different languages will grab a Jew by his clothes and say, “Let us go with you. We've heard that God is on your side.” I, the Lord All-Powerful, have spoken!
Currently Selected:
Zechariah 8: CEV
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Contemporary English Version, Second Edition (CEV®)
© 2006 American Bible Society. All rights reserved.
Zacarias 8
8
Ipinangako ang Muling Pagsasaya sa Jerusalem
1Sinabi sa akin ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, 2“Ganito ang sabihin mo: Sabik na sabik na akong ipadama sa Jerusalem ang aking pagmamahal; isang pagmamahal na naging dahilan upang mapoot ako sa kanyang mga kaaway. 3Babalik ako sa Jerusalem upang muling manirahan doon. Tatawagin itong Tapat na Lunsod at Banal na Bundok ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. 4Ganito ang sinabi ni Yahweh: “Muling makikita ang matatandang babae't lalaking nakatungkod na nakaupo sa mga liwasan ng lunsod. 5Ang mga lansangan ay mapupuno ng mga batang naglalaro. 6Aakalain ng mga naiwan sa lupain na mahirap itong mangyari. Ngunit para kay Yahweh ay walang imposible. 7Ililigtas ko ang aking bayan mula sa mga lugar sa silangan at sa kanluran, 8at muli ko silang ibabalik sa Jerusalem. Sila ay aking magiging bayan at ako ang kanilang magiging tapat at makatarungang Diyos.”
9Ipinapasabi pa ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, “Lakasan ninyo ang inyong loob, kayo na nakarinig ng mensahe ng mga propeta noong inilalagay ang pundasyon ng aking templo. 10Bago pa dumating ang panahong iyon, hindi nila kayang umupa ng tao o hayop, at mapanganib kahit saan sapagkat ang bawat isa'y ginawa kong kaaway ng kanyang kapwa. 11Ngunit ngayon, hindi ko na pababayaang mangyari sa inyo ang nangyari noon. 12Mapayapa na kayong makapaghahasik. Magbubunga na ang inyong mga ubasan. Papatak na ang ulan sa takdang panahon, ibibigay ko ang lahat ng ito sa mga naiwan sa lupain. 13Bayan ng Juda at Israel, kayo ang naging sumpa sa mga bansa. Sinasabi nila, ‘Danasin sana ninyo ang kahirapang dinanas ng Juda at ng Israel.’ Ngunit ililigtas ko kayo at gagawing pagpapala para sa kanila. Kaya huwag kayong matakot at lakasan ninyo ang inyong loob.”
14Ipinapasabi pa rin ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, “Noong una, binalak kong parusahan ang inyong mga ninuno dahil sa kanilang kasamaan. Ginawa ko nga ito. 15Ngunit ngayon, ipinasya ko namang pagpalain ang Jerusalem at ang Juda; kaya huwag kayong matakot. 16Ganito#Ef. 4:25. ang dapat ninyong gawin: Katotohanan lamang ang sasabihin ninyo sa isa't isa, paiiralin ninyo ang katarungan at pananatilihin ang kapayapaan. 17Huwag kayong magbabalak ng masama laban sa inyong kapwa at huwag magsisinungaling, sapagkat nasusuklam ako sa mga ito.”
18Sinabi sa akin ni Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat, 19“Sabihin mo sa kanila na ang mga araw ng pag-aayuno tuwing ikaapat, ikalima, ikapito at ikasampung buwan ng taon ay gagawin kong araw ng kagalakan at pagdiriwang ng Juda. Kaya't pahalagahan ninyo ang katotohanan at kapayapaan.”
20Ipinapasabi pa ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, “Darating sa Jerusalem ang mga tao mula sa iba't ibang bayan. 21Aanyayahan nila ang bawat isa, ‘Tayo na at sambahin natin si Yahweh. Humingi tayo ng pagpapala kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.’ 22Maraming tao at bansang makapangyarihan ang pupunta sa Jerusalem upang sumamba kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat at upang humingi sa kanya ng pagpapala. 23Sa araw na iyon, sampu-sampung dayuhan ang makikiusap sa bawat Judio na isama sila dahil sa balitang ang mga Judio ay pinapatnubayan ng Diyos.”
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
New Testament © 2012 Philippine Bible Society
Old Testament © 2005 Philippine Bible Society