Mark 9
9
1I can assure you that some of the people standing here will not die before they see God's kingdom come with power.
The True Glory of Jesus
(Matthew 17.1-13; Luke 9.28-36)
2 #
2 P 1.17,18. Six days later Jesus took Peter, James, and John with him. They went up on a high mountain, where they could be alone. There in front of the disciples, Jesus was completely changed. 3And his clothes became much whiter than any bleach on earth could make them. 4Then Elijah and Moses appeared and were talking with Jesus.
5Peter said to Jesus, “Teacher, it is good for us to be here! Let us make three shelters, one for you, one for Moses, and one for Elijah.” 6But Peter and the others were terribly frightened, and he did not know what he was talking about.
7 #
Mt 3.17; Mk 1.11; Lk 3.22. The shadow of a cloud passed over and covered them. From the cloud a voice said, “This is my Son, and I love him. Listen to what he says!” 8At once the disciples looked around, but they saw only Jesus.
9As Jesus and his disciples were coming down the mountain, he told them not to say a word about what they had seen, until the Son of Man had been raised from death. 10So they kept it to themselves. But they wondered what he meant by the words “raised from death.”
11 #
Ml 4.5; Mt 11.14. The disciples asked Jesus, “Don't the teachers of the Law of Moses say that Elijah must come before the Messiah does?”
12 #
Si 48.10. Jesus answered:
Elijah certainly will come#9.12 Elijah certainly will come: See the note at 6.15. to get everything ready. But don't the Scriptures also say that the Son of Man must suffer terribly and be rejected? 13I can assure you that Elijah has already come. And people treated him just as they wanted to, as the Scriptures say they would.
Jesus Heals a Boy
(Matthew 17.14-20; Luke 9.37-43a)
14When Jesus and his three disciples came back down, they saw a large crowd around the other disciples. The teachers of the Law of Moses were arguing with them.
15The crowd was really surprised to see Jesus, and everyone hurried over to greet him.
16Jesus asked, “What are you arguing about?”
17Someone from the crowd answered, “Teacher, I brought my son to you. A demon keeps him from talking. 18Whenever the demon attacks my son, it throws him to the ground and makes him foam at the mouth and grit his teeth in pain. Then he becomes stiff. I asked your disciples to force out the demon, but they couldn't do it.”
19Jesus said, “You people don't have any faith! How much longer must I be with you? Why do I have to put up with you? Bring the boy to me.”
20They brought the boy, and as soon as the demon saw Jesus, it made the boy shake all over. He fell down and began rolling on the ground and foaming at the mouth.
21Jesus asked the boy's father, “How long has he been like this?”
The man answered, “Ever since he was a child. 22The demon has often tried to kill him by throwing him into a fire or into water. Please have pity and help us if you can!”
23Jesus replied, “Why do you say ‘if you can’? Anything is possible for someone who has faith!”
24At once the boy's father shouted, “I do have faith! Please help me to have even more.”
25When Jesus saw that a crowd was gathering fast, he spoke sternly to the evil spirit that had kept the boy from speaking or hearing. He said, “I order you to come out of the boy! Don't ever bother him again.”
26The spirit screamed and made the boy shake all over. Then it went out of him. The boy looked dead, and almost everyone said he was. 27But Jesus took hold of his hand and helped him stand up.
28After Jesus and the disciples had gone back home and were alone, they asked him, “Why couldn't we force out that demon?”
29Jesus answered, “Only prayer can force out this kind of demon.”
Jesus Again Speaks about His Death
(Matthew 17.22,23; Luke 9.43b-45)
30Jesus left with his disciples and started through Galilee. He did not want anyone to know about it, 31because he was teaching the disciples that the Son of Man would be handed over to people who would kill him. But three days later he would rise to life. 32The disciples did not understand what Jesus meant, and they were afraid to ask.
Who Is the Greatest?
(Matthew 18.1-5; Luke 9.46-48)
33Jesus and his disciples went to his home in Capernaum. After they were inside the house, Jesus asked them, “What were you arguing about along the way?” 34#Lk 22.24. They had been arguing about which one of them was the greatest, and so they did not answer.
35 #
Mt 20.26,27; 23.11; Mk 10.43,44; Lk 22.26. After Jesus sat down and told the twelve disciples to gather around him, he said, “If you want the place of honor, you must become a slave and serve others!”
36Then Jesus asked a child to stand near him. He put his arm around the child and said, 37#Mt 10.40; Lk 10.16; Jn 13.20. “When you welcome even a child because of me, you welcome me. And when you welcome me, you welcome the one who sent me.”
For or against Jesus
(Luke 9.49,50)
38John said, “Teacher, we saw a man using your name to force demons out of people. But he wasn't one of us, and we told him to stop.”
39Jesus said to his disciples:
Don't stop him! No one who works miracles in my name will soon turn and say something bad about me. 40#Mt 12.30; Lk 11.23. Anyone who isn't against us is for us. 41#Mt 10.42. And anyone who gives you a cup of water in my name, just because you belong to me, will surely be rewarded.
Temptations To Sin
(Matthew 18.6-9; Luke 17.1,2)
42It will be terrible for people who cause even one of my little followers to sin. Those people would be better off thrown into the ocean with a heavy stone tied around their necks. 43-44#Mt 5.30. So if your hand causes you to sin, cut it off! You would be better off to go into life paralyzed than to have two hands and be thrown into the fires of hell that never go out.#9.43,44 never go out: Some manuscripts add, “The worms there never die, and the fire never stops burning.” 45-46If your foot causes you to sin, chop it off. You would be better off to go into life lame than to have two feet and be thrown into hell.#9.45,46 thrown into hell: Some manuscripts add, “The worms there never die, and the fire never stops burning.” 47#Mt 5.29. If your eye causes you to sin, get rid of it. You would be better off to go into God's kingdom with only one eye than to have two eyes and be thrown into hell. 48#Is 66.24. The worms there never die, and the fire never stops burning.
49Everyone must be salted with fire.#9.49 salted with fire: Some manuscripts add “and every sacrifice will be seasoned with salt.” The verse may mean that Christ's followers must suffer because of their faith.
50 #
Mt 5.13; Lk 14.34,35. Salt is good. But if it no longer tastes like salt, how can it be made salty again? Have salt among you and live at peace with each other.#9.50 Have salt among you and live at peace with each other: This may mean that when Christ's followers have to suffer because of their faith, they must still try to live at peace with each other.
Currently Selected:
Mark 9: CEV
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Contemporary English Version, Second Edition (CEV®)
© 2006 American Bible Society. All rights reserved.
Marcos 9
9
1Sinabi pa ni Jesus sa kanila, “Tandaan ninyo, may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hangga't hindi nila nakikitang dumarating nang may kapangyarihan ang kaharian ng Diyos.”
Ang Pagbabagong-anyo ni Jesus
(Mt. 17:1-13; Lu. 9:28-36)
2Pagkaraan#2 Ped. 1:17-18. ng anim na araw, umakyat si Jesus sa isang mataas na bundok. Wala siyang isinama roon maliban kina Pedro, Santiago at Juan. Habang sila'y naroroon, nakita ng tatlo na nagbago ang anyo ni Jesus. 3Nagningning sa kaputian ang kanyang kasuotan; walang sinuman sa mundo ang makapagpapaputi nang gayon. 4At nakita rin nila roon si Elias at si Moises na nakikipag-usap kay Jesus. 5Sinabi ni Pedro kay Jesus, “Guro, mabuti po na nandito kami. Magtatayo po kami ng tatlong tolda, isa para sa inyo, isa kay Moises at isa kay Elias.” 6Dahil sa kanilang matinding takot, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.
7Nililiman#Mt. 3:17; Mc. 1:11; Lu. 3:22. sila ng makapal na ulap at mula rito'y may isang tinig na nagsabi, “Ito ang pinakamamahal kong Anak. Pakinggan ninyo siya!” 8Biglang tumingin sa paligid ang mga alagad, ngunit wala silang ibang nakita maliban kay Jesus.
9Nang sila'y bumababa na mula sa bundok, mahigpit silang pinagbilinan ni Jesus na huwag sasabihin kaninuman ang kanilang nakita hangga't hindi pa muling nabubuhay ang Anak ng Tao. 10Sinunod nila ang tagubiling ito, ngunit sila'y nagtanungan sa isa't isa kung ano ang kahulugan ng sinabi niyang muling pagkabuhay. 11At#Mal. 4:5; Mt. 11:14. tinanong nila si Jesus, “Bakit po sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan na dapat munang dumating si Elias?”
12Tumugon#Ecc. 48:10. siya, “Darating nga muna si Elias upang ihanda ang lahat ng bagay. Ngunit bakit sinasabi din sa Kasulatan na ang Anak ng Tao'y hahamakin at magtitiis ng maraming hirap? 13Subalit sinasabi ko sa inyo, dumating na nga si Elias at ginawa sa kanya ng mga tao ang nais nila, ayon sa nasusulat tungkol sa kanya.”
Pinagaling ang Batang Sinasapian ng Masamang Espiritu
(Mt. 17:14-21; Lu. 9:37-43a)
14Nang magbalik sila, naratnan nila ang ibang mga alagad na napapaligiran ng napakaraming tao gayundin ng mga tagapagturo ng Kautusan na nakikipagtalo sa kanila. 15Nang makita si Jesus ng mga tao, nagulat sila at patakbo nilang sinalubong at binati siya. 16Tinanong ni Jesus ang kanyang mga alagad, “Ano ang inyong pinagtatalunan?”
17Sumagot ang isa mula sa karamihan, “Guro, dinala ko po rito sa inyo ang aking anak na lalaki dahil siya'y sinasapian ng masamang espiritu at hindi makapagsalita. 18Tuwing siya'y sinasapian nito, siya'y ibinubuwal; bumubula ang kanyang bibig, nagngangalit ang kanyang mga ngipin, at siya'y naninigas. Hiniling ko po sa inyong mga alagad na palayasin nila ang masamang espiritu ngunit hindi nila ito mapalayas.”
19Sinabi ni Jesus sa kanila, “Lahing walang pananampalataya! Hanggang kailan pa ba ako mananatiling kasama ninyo? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo rito ang bata!”
20Dinala nga nila ang bata sa kanya. Nang si Jesus ay makita ng espiritu, biglang pinapangisay nito ang bata. Ang bata'y natumba sa lupa at gumulung-gulong na bumubula ang bibig. 21“Kailan pa siya nagkaganyan?” tanong ni Jesus sa ama.
“Simula pa po noong maliit siya!” tugon niya. 22“Gusto po siyang patayin ng masamang espiritu. Madalas inihahagis po siya nito sa apoy at itinatapon siya sa tubig. Subalit kung may magagawa kayo, kami po ay kaawaan at tulungan ninyo.”
23“Kung may magagawa ako?” tanong ni Jesus. “Mangyayari ang lahat sa sinumang may pananampalataya.”
24Agad namang sumagot ang ama ng bata, “Naniniwala po ako! Tulungan po ninyo akong madagdagan pa ang aking pananampalataya.”
25Nang makita ni Jesus na dumadami ang mga tao, sinabi niya sa masamang espiritu, “Inuutusan kita, espiritu ng pagkapipi at pagkabingi, lumabas ka sa bata at huwag ka nang babalik sa kanya!”
26Nagsisigaw ang masamang espiritu, pinangisay ang bata at saka lumabas. Nagmistulang bangkay ang bata kaya't sinabi ng marami, “Patay na siya!” 27Ngunit ang bata'y hinawakan ni Jesus sa kamay, ibinangon, at ito'y tumayo.
28Nang pumasok si Jesus sa bahay, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad, “Bakit po hindi namin napalayas ang masamang espiritung iyon?”
29Sumagot si Jesus, “Mapapalayas lamang ang ganitong uri ng espiritu sa pamamagitan ng panalangin.”
Muling Binanggit ni Jesus ang Kanyang Pagkamatay at Muling Pagkabuhay
(Mt. 17:22-23; Lu. 9:43b-45)
30Pag-alis nila roon, nagdaan sila sa Galilea. Ayaw niyang malaman ng mga tao ang kanyang kinaroroonan, 31dahil tinuturuan niya noon ang kanyang mga alagad na ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga taong papatay sa kanya, ngunit siya'y mabubuhay muli pagkatapos ng tatlong araw. 32Ngunit hindi nila naunawaan ang kanyang sinabi, at natatakot din naman silang magtanong sa kanya.
Ang Pinakadakila
(Mt. 18:1-5; Lu. 9:46-48)
33Dumating sila sa Capernaum. Nang sila'y nasa bahay na, tinanong ni Jesus ang kanyang mga alagad, “Ano ang pinagtatalunan ninyo sa daan?” 34Hindi#Lu. 22:24. sila makasagot sapagkat ang pinagtatalunan nila'y kung sino sa kanila ang pinakadakila.
35Naupo#Mt. 20:26-27; 23:11; Mc. 10:43-44; Lu. 22:26. si Jesus, tinawag ang Labindalawa at sinabi sa kanila, “Ang sinumang nagnanais maging una ay dapat maging huli sa lahat, at maging lingkod ng lahat.” 36Tinawag niya ang isang bata at pinatayo sa gitna nila. Pagkatapos, kinalong niya ito at sinabi sa kanyang mga alagad, 37“Ang#Mt. 10:40; Lu. 10:16; Jn. 13:20. sinumang tumatanggap sa isang batang tulad nito alang-alang sa aking pangalan ay ako ang tinatanggap; at ang sinumang tumatanggap sa akin ay hindi lamang ako ang kanyang tinatanggap kundi pati na rin ang nagsugo sa akin.”
Kapanig Natin ang Hindi Laban sa Atin
(Lu. 9:49-50)
38Sinabi sa kanya ni Juan, “Guro, nakakita po kami ng isang taong nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng inyong pangalan. Pinagbawalan namin siya dahil hindi natin siya kasamahan.”
39Ngunit sinabi ni Jesus, “Huwag ninyo siyang pagbawalan sapagkat ang taong gumagawa ng himala sa pamamagitan ng pangalan ko ay hindi magsasalita ng masama laban sa akin pagkatapos gawin ito. 40Sapagkat#Mt. 12:30; Lu. 11:23. ang sinumang hindi laban sa atin ay panig sa atin. 41Tandaan#Mt. 10:42. ninyo: ang sinumang magbigay sa inyo ng isang basong tubig dahil sa kayo'y tagasunod ko ay tiyak na tatanggap ng gantimpala.”
Sanhi ng Pagkakasala
(Mt. 18:6-9; Lu. 17:1-2)
42“Mabuti pa sa isang tao ang siya'y bitinan sa leeg ng isang malaking gilingang-bato at itapon sa dagat kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na nananalig [sa akin.]#9:42 sa akin: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito. 43Kung#Mt. 5:30. ang kamay mo ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito! Mas mabuti pa ang pumasok sa buhay na walang hanggan na putol ang isang kamay, kaysa may dalawang kamay na mapunta ka sa impiyerno, sa apoy na hindi namamatay. [44Doo'y hindi namamatay ang mga uod na kumakain sa kanila at ang apoy.]#9:44 Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang talatang 44. 45Kung ang paa mo ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito! Mabuti pa ang pumasok sa buhay na walang hanggan na putol ang isang paa, kaysa may dalawang paa na mapunta ka sa impiyerno. [46Doo'y hindi namamatay ang mga uod na kumakain sa kanila at ang apoy.]#9:46 Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang talatang 46. 47At#Mt. 5:29. kung ang isang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito! Mabuti pang pumasok ka sa kaharian ng Diyos na iisa lang ang mata, kaysa may dalawang mata ngunit itatapon ka naman sa impiyerno. 48Doo'y#Isa. 66:24. hindi namamatay ang mga uod na kumakain sa kanila, at ang apoy ay hindi napapatay.
49“Sapagkat ang bawat isa'y dadalisayin sa apoy [at ang bawat handog sa Diyos ay lalagyan ng asin.]#9:49 at ang bawat handog…ng asin: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito. 50Mabuti#Mt. 5:13; Lu. 14:34-35. ang asin, ngunit kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? Taglayin ninyo ang katangian ng asin, at mamuhay kayong may kapayapaan sa isa't isa.”
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
New Testament © 2012 Philippine Bible Society
Old Testament © 2005 Philippine Bible Society