Mark 11
11
Jesus Enters Jerusalem
(Matthew 21.1-11; Luke 19.28-40; John 12.12-19)
1Jesus and his disciples reached Bethphage and Bethany near the Mount of Olives. When they were getting close to Jerusalem, Jesus sent two of them on ahead. 2He told them, “Go into the next village. As soon as you enter it, you will find a young donkey that has never been ridden. Untie the donkey and bring it here. 3If anyone asks why you are doing this, say, ‘The Lord#11.3 The Lord: Or “The master of the donkey.” needs it and will soon bring it back.’ ”
4The disciples left and found the donkey tied near a door that faced the street. While they were untying it, 5some of the people standing there asked, “Why are you untying the donkey?” 6They told them what Jesus had said, and the people let them take it.
7The disciples led the donkey to Jesus. They put some of their clothes on its back, and Jesus got on. 8Many people spread clothes on the road, while others spread branches they had cut from the fields.#11.8 spread … branches from the fields: This was one way that the Jewish people welcomed a famous person.
9 #
Ps 118.25,26. In front of Jesus and behind him, people went along shouting,
“Hooray!#11.9 Hooray: This translates a word that can mean “please save us.” But it is most often used as a shout of praise to God.
God bless the one who comes
in the name of the Lord!
10God bless the coming kingdom
of our ancestor David.
Hooray for God
in heaven above!”
11After Jesus had gone to Jerusalem, he went into the temple and looked around at everything. But since it was already late in the day, he went back to Bethany with the twelve disciples.
Jesus Puts a Curse on a Fig Tree
(Matthew 21.18,19)
12When Jesus and his disciples left Bethany the next morning, he was hungry. 13From a distance Jesus saw a fig tree covered with leaves, and he went to see if there were any figs on the tree. But there were none, because it wasn't the season for figs. 14So Jesus said to the tree, “Never again will anyone eat fruit from this tree!” The disciples heard him say this.
Jesus in the Temple
(Matthew 21.12-17; Luke 19.45-48; John 2.13-22)
15After Jesus and his disciples reached Jerusalem, he went into the temple and began chasing out everyone who was selling and buying. He turned over the tables of the moneychangers and the benches of those who were selling doves. 16Jesus would not let anyone carry things through the temple. 17#Is 56.7; Jr 7.11. Then he taught the people and said, “The Scriptures say, ‘My house should be called a place of worship for all nations.’ But you have made it a place where robbers hide!”
18The chief priests and the teachers of the Law of Moses heard what Jesus said, and they started looking for a way to kill him. They were afraid of him, because the crowds were completely amazed at his teaching.
19That evening, Jesus and the disciples went outside the city.
A Lesson from the Fig Tree
(Matthew 21.20-22)
20As the disciples walked past the fig tree the next morning, they noticed that it was completely dried up, roots and all. 21Peter remembered what Jesus had said to the tree. Then Peter said, “Teacher, look! The tree you put a curse on has dried up.”
22Jesus told his disciples:
Have faith in God! 23#Mt 17.20; 1 Co 13.2. If you have faith in God and don't doubt, you can tell this mountain to get up and jump into the sea, and it will. 24Everything you ask for in prayer will be yours, if you only have faith.
25-26 #
Mt 6.14,15. Whenever you stand up to pray, you must forgive what others have done to you. Then your Father in heaven will forgive your sins.#11.25,26 your sins: Some manuscripts add, “But if you do not forgive others, God will not forgive you.”
A Question about Jesus' Authority
(Matthew 21.23-27; Luke 20.1-8)
27Jesus and his disciples returned to Jerusalem. And as he was walking through the temple, the chief priests, the nation's leaders, and the teachers of the Law of Moses came over to him. 28They asked, “What right do you have to do these things? Who gave you this authority?”
29Jesus answered, “I have just one question to ask you. If you answer it, I will tell you where I got the right to do these things. 30Who gave John the right to baptize? Was it God in heaven or merely some human being?”
31They thought it over and said to each other, “We can't say that God gave John this right. Jesus will ask us why we didn't believe John. 32On the other hand, these people think that John was a prophet. So we can't say it was merely some human who gave John the right to baptize.”
They were afraid of the crowd 33and told Jesus, “We don't know.”
Jesus replied, “Then I won't tell you who gave me the right to do what I do.”
Currently Selected:
Mark 11: CEV
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Contemporary English Version, Second Edition (CEV®)
© 2006 American Bible Society. All rights reserved.
Marcos 11
11
Ang Matagumpay na Pagpasok sa Jerusalem
(Mt. 21:1-11; Lu. 19:28-40; Jn. 12:12-19)
1Narating nina Jesus ang mga bayan ng Bethfage at Bethania, malapit sa may Bundok ng mga Olibo. Nang papalapit na sila sa Jerusalem, pinauna ni Jesus ang dalawa sa mga alagad 2at sinabi sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Pagpasok na pagpasok, makikita ninyo ang isang batang asno na hindi pa nasasakyan ninuman. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito. 3Kapag may nagtanong kung bakit ninyo kinakalagan iyon, sabihin ninyong iyon ay kailangan ng Panginoon#11:3 Panginoon: o kaya'y may-ari. at ibabalik din niya agad.”
4Kaya't lumakad ang dalawang alagad at nakita nga nila ang batang asno sa tabi ng daan, nakatali ito sa may pinto ng isang bahay. Nang kinakalagan na nila ang hayop, 5tinanong sila ng ilang nakatayo roon, “Bakit ninyo kinakalagan iyan?”
6Sumagot sila gaya ng bilin ni Jesus, at hinayaan na silang umalis. 7Dinala nila kay Jesus ang batang asno. Matapos isapin sa likod nito ang kanilang mga balabal ay sumakay si Jesus. 8Marami ang naglatag ng kanilang mga balabal sa daan, samantalang ang iba nama'y pumutol ng madahong sanga ng kahoy at iyon ang kanilang inilatag sa daan. 9Ang#Awit 118:25-26. mga tao sa unahan at sa hulihan ni Jesus ay sumisigaw ng ganito, “Purihin ang Diyos!#11:9 PURIHIN ANG DIYOS!: o kaya'y Hosanna, na nangangahulugan ding “Iligtas mo kami” ngunit mas madalas itong ginagamit bilang isang sigaw ng pagpupuri. Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! 10Pagpalain ang malapit nang itatatag na kaharian ng ating amang si David! Purihin ang Panginoon sa Kataas-taasan!”
11Pumunta si Jesus sa Jerusalem at pumasok sa Templo at tiningnan niya ang lahat ng bagay doon. At dahil gumagabi na, lumabas siya at nagbalik sa Bethania na kasama ang Labindalawa.
Sinumpa ang Puno ng Igos
(Mt. 21:18-19)
12Kinabukasan, nang pabalik na sila mula sa Bethania, si Jesus ay nakaramdam ng gutom. 13Nakita niya sa di-kalayuan ang isang malagong puno ng igos. Nilapitan niya ito upang tingnan kung may bunga. Dahil hindi pa panahon ng igos noon, wala siyang nakita kundi mga dahon lamang. 14Kaya't sinabi niya sa puno ng igos, “Wala nang makakakain pa ng iyong bunga.” Ang sinabi niyang iyon ay narinig ng kanyang mga alagad.
Pinalayas ang mga Nangangalakal sa Templo
(Mt. 21:12-17; Lu. 19:45-48; Jn. 2:13-22)
15Pagdating nila sa Jerusalem, si Jesus ay pumasok sa Templo. Ipinagtabuyan niya ang mga nagbebenta at namimili roon, at ipinagtataob niya ang mga mesa ng mga namamalit ng salapi at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng kalapati. 16Pinagbawalan din niyang tumawid sa patyo ng Templo ang mga may dalang paninda 17at#Isa. 56:7; Jer. 7:11. tinuruan niya ang mga tao nang ganito, “Nasusulat, ‘Ang aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.’ Ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw!”
18Narinig ito ng mga punong pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan. Buhat noo'y humanap na sila ng paraan upang patayin si Jesus. Subalit natatakot sila sa kanya dahil humahanga ang lahat sa kanyang mga turo.
19Pagsapit ng gabi, si Jesus at ang kanyang mga alagad ay muling lumabas ng lungsod.
Ang Aral Mula sa Puno ng Igos
(Mt. 21:20-22)
20Kinaumagahan, pagdaan nila'y nakita nilang natuyo ang puno ng igos hanggang sa mga ugat nito. 21Naalala ni Pedro ang nangyari dito kaya't kanyang sinabi kay Jesus, “Guro, tingnan ninyo! Patay na ang puno ng igos na isinumpa ninyo.”
22Sumagot si Jesus, “Manalig kayo sa Diyos. 23Tandaan#Mt. 17:20; 1 Cor. 13:2. ninyo ito: kung kayo'y nananampalataya sa Diyos at hindi kayo nag-aalinlangan, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Umalis ka riyan at tumalon ka sa dagat,’ at ito nga ay mangyayari. 24Kaya't sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa inyong panalangin, maniwala kayong natanggap na ninyo iyon, at matatanggap nga ninyo iyon. 25Kapag#Mt. 6:14-15. kayo'y tumayo upang manalangin, patawarin muna ninyo ang nagkasala sa inyo upang ang inyong mga kasalanan ay patawarin din ng inyong Ama na nasa langit. [26Ngunit kung hindi kayo magpapatawad, hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama na nasa langit.]#11:26 Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang talatang 26.”
Pag-aalinlangan tungkol sa Karapatan ni Jesus
(Mt. 21:23-27; Lu. 20:1-8)
27Muli silang pumasok sa Jerusalem. Habang si Jesus ay naglalakad sa patyo ng Templo, nilapitan siya ng mga punong pari, ng mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga pinuno ng bayan. 28Siya'y tinanong nila, “Ano ang karapatan mong gumawa ng mga bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng ganyang karapatan?”
29Sumagot si Jesus, “Tatanungin ko kayo. Sagutin ninyo ito at sasabihin ko sa inyo kung kanino galing ang karapatan kong gumawa ng mga bagay na ito. 30Sabihin ninyo sa akin, kanino galing ang karapatan ni Juan na magbautismo: sa Diyos ba o sa mga tao?”
31At sila'y nag-usap-usap, “Kung sasabihin nating galing sa Diyos, itatanong naman niya sa atin kung bakit hindi natin pinaniwalaan si Juan. 32Ngunit kung sasabihin naman nating galing sa tao, baka kung ano naman ang gawin sa atin ng mga tao.” Nangangamba sila sapagkat naniniwala ang marami na si Juan ay isang tunay na propeta. 33Kaya't ganito ang kanilang isinagot: “Hindi namin alam.”
“Kung gayon, hindi ko rin sasabihin sa inyo kung kanino galing ang karapatan kong gawin ang mga ito,” tugon ni Jesus sa kanila.
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
New Testament © 2012 Philippine Bible Society
Old Testament © 2005 Philippine Bible Society