Matthew 24
24
The Temple Will Be Destroyed
(Mark 13.1,2; Luke 21.5,6)
1After Jesus left the temple, his disciples came over and said, “Look at all these buildings!”
2Jesus replied, “Do you see these buildings? They will certainly be torn down! Not one stone will be left in place.”
Warning about Trouble
(Mark 13.3-13; Luke 21.7-19)
3 #
2 Esd 4.51—5.19. Later, as Jesus was sitting on the Mount of Olives, his disciples came to him in private and asked, “When will this happen? What will be the sign of your coming and of the end of the world?”
4Jesus answered:
Don't let anyone fool you. 5Many will come and claim to be me. They will say they are the Messiah, and they will fool many people.
6You will soon hear about wars and threats of wars, but don't be afraid. These things will have to happen first, but that isn't the end. 7#2 Esd 13.31. Nations and kingdoms will go to war against each other. People will starve to death, and in some places there will be earthquakes. 8But this is just the beginning of troubles.
9 #
Mt 10.22. You will be arrested, punished, and even killed. Because of me, you will be hated by people of all nations. 10Many will give up and will betray and hate each other. 11Many false prophets will come and fool a lot of people. 12Evil will spread and cause many people to stop loving others. 13#Mt 10.22. But if you keep on being faithful right to the end, you will be saved. 14When the good news about the kingdom has been preached all over the world and told to all nations, the end will come.
The Horrible Thing
(Mark 13.14-23; Luke 21.20-24)
15 #
Dn 9.27; 11.31; 12.11; 1 Macc 1.54; 6.7. Someday you will see that “Horrible Thing” in the holy place, just as the prophet Daniel said. Everyone who reads this must try to understand! 16If you are living in Judea at that time, run to the mountains. 17#Lk 17.31. If you are on the roof#24.17 roof: In Palestine the houses usually had a flat roof. Stairs on the outside led up to the roof, which was made of beams and boards covered with packed earth. of your house, don't go inside to get anything. 18If you are out in the field, don't go back for your coat. 19It will be a terrible time for women who are expecting babies or nursing young children. 20And pray that you won't have to escape in winter or on a Sabbath.#24.20 in winter or on a Sabbath: In Palestine the winters are cold and rainy and make travel difficult. The Jewish people were not allowed to travel much more than a kilometer on the Sabbath. For these reasons it was hard for them to escape from their enemies in the winter or on a Sabbath. 21#Dn 12.1; Rev 7.14. This will be the worst time of suffering since the beginning of the world, and nothing this terrible will ever happen again. 22If God doesn't make the time shorter, no one will be left alive. But because of God's chosen ones, he will make the time shorter.
23Someone may say, “Here is the Messiah!” or “There he is!” But don't believe it. 24False messiahs and false prophets will come and work great miracles and signs. They will even try to fool God's chosen ones. 25But I have warned you ahead of time. 26#Lk 17.23,24. If you are told the Messiah is out in the desert, don't go there! And if you are told he is in some secret place, don't believe it! 27The coming of the Son of Man will be like lightning that can be seen from east to west. 28#Lk 17.37. Where there is a corpse, there will always be vultures.#24.28 Where there is a corpse, there will always be vultures: This saying may mean that when anything important happens, people soon know about it. Or the saying may mean that whenever something bad happens, curious people gather around and stare. But the word translated “vulture” also means “eagle” and may refer to the Roman army, which had an eagle as its symbol.
When the Son of Man Appears
(Mark 13.24-27; Luke 21.25-28)
29 #
Is 13.10; Jl 2.10; Jl 2.10,31; 3.15; Rev 6.12;
Is 13.10; Ez 32.7; Jl 2.10; 3.15;
Is 34.4; Rev 6.13. Right after those days of suffering,
“The sun will become dark,
and the moon
will no longer shine.
The stars will fall,
and the powers in the sky#24.29 the powers in the sky: In ancient times people thought that the stars were spiritual powers.
will be shaken.”
30 #
Dn 7.13; Zec 12.10-14; Rev 1.7. Then a sign will appear in the sky. And there will be the Son of Man.#24.30 And there will be the Son of Man: Or “And it will be the Son of Man.” All nations on earth will weep when they see the Son of Man coming on the clouds of heaven with power and great glory. 31At the sound of a loud trumpet, he will send his angels to bring his chosen ones together from all over the earth.
A Lesson from a Fig Tree
(Mark 13.28-31; Luke 21.29-33)
32Learn a lesson from a fig tree. When its branches sprout and start putting out leaves, you know summer is near. 33So when you see all these things happening, you will know the time has almost come.#24.33 the time has almost come: Or “he (that is, the Son of Man) will soon be here.” 34I can promise you that some of the people of this generation will still be alive when all this happens. 35The sky and the earth won't last forever, but my words will.
No One Knows the Day or Time
(Mark 13.32-37; Luke 17.26-30,34-36)
36No one knows the day or hour. The angels in heaven don't know, and the Son himself doesn't know.#24.36 and the Son himself doesn't know: These words are not in some manuscripts. Only the Father knows. 37#Gn 6.5-8. When the Son of Man appears, things will be just as they were when Noah lived. 38People were eating, drinking, and getting married right up to the day the flood came and Noah went into the big boat. 39#Gn 7.5-24. They didn't know anything was happening until the flood came and swept them all away. This is how it will be when the Son of Man appears.
40Two men will be in the same field, but only one will be taken. The other will be left. 41Two women will be together grinding grain, but only one will be taken. The other will be left. 42So be on your guard! You don't know when your Lord will come. 43#Lk 12.39,40. Homeowners never know when a thief is coming, and they are always on guard to keep one from breaking in. 44Always be ready! You don't know when the Son of Man will come.
Faithful and Unfaithful Servants
(Luke 12.35-48)
45Who are faithful and wise servants? Who are the ones the master will put in charge of giving the other servants their food supplies at the proper time? 46Servants are fortunate if their master comes and finds them doing their job. 47You may be sure a servant who is always faithful will be put in charge of everything the master owns. 48But suppose one of the servants thinks the master won't return until late. 49Suppose this evil servant starts beating the other servants and eats and drinks with people who are drunk. 50If that happens, the master will surely come on a day and at a time when the servant least expects him. 51This servant will then be punished and thrown out with the ones who only pretended to serve their master. There they will cry and grit their teeth in pain.
Currently Selected:
Matthew 24: CEV
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Contemporary English Version, Second Edition (CEV®)
© 2006 American Bible Society. All rights reserved.
Mateo 24
24
Tungkol sa Pagkawasak ng Templo
(Mc. 13:1-2; Lu. 21:5-6)
1Lumabas si Jesus sa Templo. Paalis na siya nang lumapit ang mga alagad at itinuro sa kanya ang mga gusali ng Templo. 2Sinabi niya sa kanila, “Nakikita ba ninyo ang mga gusaling iyan? Tandaan ninyo! Darating ang araw na wala riyang matitirang bato sa ibabaw ng isa pang bato. Lahat ay iguguho!”
Mga Kahirapan at Pag-uusig na Darating
(Mc. 13:3-13; Lu. 21:7-19)
3Habang si Jesus ay nakaupo sa Bundok ng mga Olibo, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad, “Kailan po ba mangyayari ang mga sinabi ninyo? Ano po ang magiging palatandaan ng inyong muling pagparito at ng katapusan ng mundo?”
4Sumagot si Jesus, “Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman! 5Maraming paparito sa pangalan ko at magpapanggap na sila ang Cristo, at marami silang maililigaw. 6Makakarinig kayo ng mga labanan at makakabalita ng mga digmaan sa iba't ibang dako. Ngunit huwag kayong mababahala dahil talagang mangyayari ang mga iyon, bagama't hindi pa iyon ang katapusan ng mundo. 7Maglalaban-laban ang mga bansa at gayundin ang mga kaharian. Magkakaroon ng taggutom at lilindol sa maraming lugar. 8Ang lahat ng mga ito'y pasimula pa lamang ng mga paghihirap na tulad sa isang babaing nanganganak.
9“Pagkatapos#Mt. 10:22. ay kapopootan kayong lahat dahil sa inyong pagsunod sa akin. Isasakdal kayo upang pahirapan at patayin, 10at dahil dito'y marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Mapopoot sila at magtataksil sa isa't isa. 11Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw ang mga tao. 12Lalaganap ang kasamaan, kaya't manlalamig ang pag-ibig ng marami. 13Ngunit#Mt. 10:22. ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas. 14Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balitang ito tungkol sa kaharian ng Diyos upang magsilbing patotoo sa lahat ng mga bansa. At saka darating ang wakas.”
Ang Kasuklam-suklam na Kalapastanganan
(Mc. 13:14-23; Lu. 21:20-24)
15“Kapag#Dan. 9:27; 11:31; 12:11; 1 Mcb. 1:54; 6:7. nakita ninyong nagaganap na sa Dakong Banal ang kasuklam-suklam na kalapastanganang tinutukoy ni Propeta Daniel (unawain ito ng nagbabasa), 16ang mga nasa Judea ay dapat tumakas papunta sa kabundukan, 17ang#Lu. 17:31. nasa bubungan ay huwag nang mag-aksaya ng panahon na kumuha pa ng kahit ano sa loob ng bahay, 18at ang nasa bukid ay huwag nang umuwi upang kumuha ng balabal. 19Sa mga araw na iyon, kawawa ang mga nagdadalang-tao at mga nagpapasuso! 20Ipanalangin ninyo na ang inyong pagtakas ay huwag mapataon sa taglamig o sa Araw ng Pamamahinga. 21Sapagkat#Dan. 12:1; Pah. 7:14. sa mga araw na iyon, ang mga tao'y magdaranas ng matinding kapighatiang hindi pa nararanasan mula nang likhain ang sanlibutan hanggang sa ngayon, at hindi na mararanasan pa kahit kailan. 22At kung hindi pinaikli ng Diyos ang mga araw na iyon, walang taong maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang, paiikliin ng Diyos ang mga araw na iyon.
23“Kung may magsasabi sa inyo, ‘Narito ang Cristo!’ o ‘Naroon siya!’ huwag kayong maniniwala. 24Sapagkat may lilitaw na mga huwad na Cristo at mga huwad na propeta. Magpapakita sila ng mga kamangha-manghang himala at mga kababalaghan upang iligaw, kung maaari, maging ang mga hinirang ng Diyos. 25Tandaan ninyo, ipinagpauna ko nang sabihin ito sa inyo.
26“Kaya't#Lu. 17:23-24. kung sabihin nila sa inyo, ‘Naroon siya sa ilang,’ huwag kayong pumunta roon. Kung sabihin naman nilang, ‘Naroon siya sa silid,’ huwag kayong maniniwala. 27Sapagkat darating ang Anak ng Tao na parang kidlat na gumuguhit mula sa silangan hanggang sa kanluran.
28“Kung#Lu. 17:37. nasaan ang bangkay, doon nagkakatipon ang mga buwitre.”
Ang Pagparito ng Anak ng Tao
(Mc. 13:24-27; Lu. 21:25-28)
29“Pagkatapos#Isa. 13:10; Joel 2:10, 31; 3:15; Pah. 6:12; Isa. 13:10; Eze. 32:7; Joel 2:10; 3:15; Isa. 34:4; Pah. 6:13. ng kapighatian sa mga araw na iyon, magdidilim ang araw, hindi magliliwanag ang buwan, malalaglag mula sa langit ang mga bituin, at mayayanig ang mga kapangyarihan sa kalawakan. 30Pagkatapos,#Dan. 7:13; Zac. 12:10-14; Pah. 1:7. lilitaw sa langit ang tanda ng Anak ng Tao at mananangis ang lahat ng mga bansa sa daigdig. Makikita nila ang Anak ng Tao na nasa alapaap at dumarating na may dakilang kapangyarihan at kadakilaan. 31Sa hudyat ng malakas na tunog ng trumpeta, susuguin niya ang kanyang mga anghel sa apat na sulok ng daigdig at titipunin nila ang mga hinirang mula sa lahat ng dako.”
Ang Aral mula sa Puno ng Igos
(Mc. 13:28-31; Lu. 21:29-33)
32“Unawain ninyo ang aral mula sa puno ng igos; kapag ang mga sanga nito ay umuusbong at nagkakadahon na, alam ninyong malapit na ang tag-araw. 33Gayundin naman, kapag nakita ninyo ang lahat ng ito, malalaman ninyong malapit na siyang#24:33 siyang: o kaya'y itong. dumating, halos naririto na. 34Tandaan ninyo, magaganap ang lahat ng mga ito bago maubos ang salinlahing ito. 35Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga sinasabi ay tiyak na mananatili.”
Walang Nakakaalam ng Araw o Oras
(Mc. 13:32-37; Lu. 17:26-30, 34-36)
36“Ngunit tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit [o maging ang Anak man].#24:36 o maging ang Anak man: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito. Ang Ama lamang ang nakakaalam nito. 37Ang#Gen. 6:5-8. pagdating ng Anak ng Tao ay tulad noong panahon ni Noe. 38Nang mga araw na iyon, bago bumaha, ang mga tao'y nagsisikain, nag-iinuman, at nagsisipag-asawa hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko. 39Hindi#Gen. 7:6-24. nila namamalayan ang nangyayari hanggang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat. Gayundin ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao. 40Sa panahong iyon, may dalawang lalaking nagtatrabaho sa bukid, kukunin ang isa at iiwan ang ikalawa. 41May dalawang babaing nagtatrabaho sa gilingan, kukunin ang isa at iiwan ang ikalawa. 42Kaya't maging handa kayo dahil hindi ninyo alam kung kailan darating ang inyong Panginoon. 43Unawain#Lu. 12:39-40. ninyo ito: kung alam ng may-ari ng bahay kung anong oras sa gabi darating ang magnanakaw, siya'y maghahanda at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. 44Kaya't lagi kayong maging handa, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.”
Dapat Palaging Maging Handa
(Lu. 12:41-48)
45“Sino ang tapat at matalinong alipin? Hindi ba't ang pinamamahala ng kanyang panginoon upang magpakain sa iba pang mga alipin sa takdang oras? 46Pinagpala ang aliping iyon kapag dinatnan siyang tapat na naglilingkod sa pagbabalik ng kanyang panginoon! 47Sinasabi ko sa inyo, gagawin siyang tagapamahala ng kanyang panginoon sa lahat ng mga ari-arian nito. 48Ngunit kung masama ang aliping iyon, sasabihin niya sa kanyang sarili, ‘Matatagalan pa ang pagbabalik ng aking panginoon.’ 49Kaya't sisimulan niyang bugbugin ang kanyang kapwa alipin, at makikipagkainan at makikipag-inuman sa mga lasenggo. 50Babalik ang panginoon ng aliping iyon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. 51Bibigyan siya ng kanyang panginoon ng matinding parusa,#24:51 Bibigyan siya…ng matinding parusa: Sa Griego ay Kakatayin. at pagkatapos ay isasama sa mga mapagkunwari. Doo'y tatangis siya at magngangalit ang ngipin.”
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
New Testament © 2012 Philippine Bible Society
Old Testament © 2005 Philippine Bible Society