Matthew 19
19
Teaching about Divorce
(Mark 10.1-12)
1When Jesus finished teaching, he left Galilee and went to the part of Judea east of the Jordan River. 2Large crowds followed him, and he healed their sick.
3Some Pharisees wanted to test Jesus. They came up to him and asked, “Is it right for a man to divorce his wife for just any reason?”
4 #
Gn 1.27; 5.1,2. Jesus answered, “Don't you know in the beginning the Creator made a man and a woman? 5#Gn 2.24. That's why a man leaves his father and mother and gets married. He becomes like one person with his wife. 6Then they are no longer two people, but one. And no one should separate a couple God has joined together.”
7 #
Dt 24.1-4; Mt 5.31. The Pharisees asked Jesus, “Why did Moses say a man could write out divorce papers and send his wife away?”
8Jesus replied, “You are so heartless! That's why Moses allowed you to divorce your wife. But from the beginning God did not intend it to be that way. 9#Mt 5.32; 1 Co 7.10,11. I say if your wife has not committed some terrible sexual sin,#19.9 some terrible sexual sin: See the note at 5.32. you must not divorce her to marry someone else. If you do, you are unfaithful.”
10The disciples said, “If that's how it is between a man and a woman, it's better not to get married.”
11Jesus told them, “Only those people who have been given the gift of staying single can accept this teaching. 12Some people are unable to marry because of birth defects or because of what someone has done to their bodies. Others stay single in order to serve God better. Anyone who can accept this teaching should do so.”
Jesus Blesses Little Children
(Mark 10.13-16; Luke 18.15-17)
13Some people brought their children to Jesus, so he could place his hands on them and pray for them. His disciples told the people to stop bothering him. 14But Jesus said, “Let the children come to me, and don't try to stop them! People who are like these children belong to God's kingdom.”#19.14 People who are like these children belong to God's kingdom: Or “God's kingdom belongs to people who are like these children.” 15After Jesus had placed his hands on the children, he left.
A Rich Young Man
(Mark 10.17-31; Luke 18.18-30)
16A man came to Jesus and asked, “Teacher, what good thing must I do to have eternal life?”
17Jesus said to him, “Why do you ask me about what is good? Only God is good. If you want to have eternal life, you must obey his commandments.”
18 #
Ex 20.13; Dt 5.17;
Ex 20.14; Dt 5.18;
Ex 20.15; Dt 5.19;
Ex 20.16; Dt 5.20. “Which ones?” the man asked.
Jesus answered, “Do not murder. Be faithful in marriage. Do not steal. Do not tell lies about others. 19#Ex 20.12; Dt 5.16; Lv 19.18. Respect your father and mother. And love others as much as you love yourself.” 20The young man said, “I have obeyed all of these. What else must I do?”
21Jesus replied, “If you want to be perfect, go sell everything you own! Give the money to the poor, and you will have riches in heaven. Then come and be my follower.” 22When the young man heard this, he went away sad, because he was very rich.
23Jesus said to his disciples, “I tell you, it's terribly hard for rich people to get into the kingdom of heaven! 24In fact, it's easier for a camel to go through the eye of a needle than for a rich person to get into God's kingdom.”
25When the disciples heard this, they were greatly surprised and asked, “How can anyone ever be saved?”
26Jesus looked straight at them and said, “There are some things people cannot do, but God can do anything.”
27Peter replied, “Remember, we have left everything to be your followers! What will we get?”
28 #
Mt 25.31;
Lk 22.30. Jesus answered:
Yes, all of you have become my followers. And so in the future world, when the Son of Man sits on his glorious throne, I promise you will sit on twelve thrones to judge the twelve tribes of Israel. 29All who have given up home or brothers and sisters or father and mother or children or land for me will be given 100 times as much. They will also have eternal life. 30#Mt 20.16; Lk 13.30. But many who are now first will be last, and many who are last will be first.
Currently Selected:
Matthew 19: CEV
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Contemporary English Version, Second Edition (CEV®)
© 2006 American Bible Society. All rights reserved.
Mateo 19
19
Katuruan tungkol sa Paghihiwalay ng Mag-asawa
(Mc. 10:1-12)
1Pagkatapos niyang ipangaral ang mga bagay na ito, umalis si Jesus sa Galilea at nagtungo sa lupain ng Judea, sa kabila ng Ilog Jordan. 2Sinundan siya ng napakaraming tao, at doo'y pinagaling niya ang mga maysakit.
3May ilang Pariseong lumapit sa kanya na humanap ng maipaparatang sa kanya. Tanong nila, “Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit anong dahilan?” 4Sumagot#Gen. 1:27; 5:2. si Jesus, “Hindi ba ninyo nabasa na sa pasimula'y nilalang ng Diyos ang tao na lalaki at babae? 5At#Gen. 2:24. siya rin ang nagsabi, ‘Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, at magsasama sila ng kanyang asawa at sila'y magiging isa.’ 6Hindi na sila dalawa kundi iisa, kaya't ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.”
7Tinanong#Deut. 24:1-4; Mt. 5:31. siya ng mga Pariseo, “Kung gayon, bakit iniutos ni Moises na bigyan ng lalaki ang kanyang asawa ng isang kasulatan ng paghihiwalay bago niya ito palayasin?”
8Sumagot si Jesus, “Ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ninyo ang inyong asawa dahil sa katigasan ng inyong ulo. Subalit hindi ganoon sa pasimula. 9Ito#Mt. 5:32; 1 Cor. 7:10-11. ang sinasabi ko sa inyo, sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa, maliban kung ang asawa niya'y nakikiapid, [itinutulak niya ang kanyang asawa na mangalunya]#19:9 itinutulak niya…na mangalunya: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito. at siya'y mag-asawa ng iba ay nagkakasala ng pangangalunya [at ang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya].”#19:9 at ang mag-asawa…ng pangangalunya: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
10Sinabi naman ng mga alagad, “Kung ganyan po ang kalagayan ng lalaki sa kanyang asawa, mabuti pang huwag nang mag-asawa.”
11Sumagot si Jesus, “Hindi lahat ay kayang tumanggap ng aral na ito kundi sila lamang na pinagkalooban ng Diyos. 12Sapagkat may iba't ibang dahilan kung bakit may mga lalaking hindi makapag-asawa: ang ilan ay isinilang na may ganitong kapansanan; ang iba nama'y dahil sa kagagawan ng ibang tao; mayroon namang hindi nag-aasawa alang-alang sa kaharian ng langit. Hayaang tanggapin ang aral na ito ng may kakayahang tumanggap nito.”
Ipinanalangin ni Jesus ang mga Bata
(Mc. 10:13-16; Lu. 18:15-17)
13May nagdala ng mga bata kay Jesus upang ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay at sila'y ipanalangin. Ngunit pinagalitan sila ng mga alagad. 14Sinabi ni Jesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng langit.” 15Ipinatong nga niya sa mga bata ang kanyang kamay, at pagkatapos, siya'y umalis.
Ang Binatang Mayaman
(Mc. 10:17-31; Lu. 18:18-30)
16May isa namang lalaking lumapit kay Jesus at nagtanong, “Guro, anong mabuting bagay ang dapat kong gawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan?”
17Sumagot si Jesus, “Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? Iisa lang ang mabuti. Ngunit kung nais mong magkamit ng buhay na walang hanggan, sundin mo ang mga utos ng Diyos.”
18“Alin#Exo. 20:13; Deut. 5:17; Exo. 20:14; Deut. 5:18; Exo. 20:15; Deut. 5:19; Exo. 20:16; Deut. 5:20. sa mga iyon?” tanong niya.
Sumagot si Jesus, “Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang sasaksi nang walang katotohanan; 19igalang#Exo. 20:12; Deut. 5:16; Lev. 19:18. mo ang iyong ama at ina; at ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”
20Sinabi ng binata, “Sinunod ko na po ang lahat ng iyan. Ano pa po ang dapat kong gawin?”
21Sumagot si Jesus, “Kung ibig mong maging ganap, ipagbili mo ang lahat ng iyong ari-arian at ipamahagi sa mga mahihirap. At magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod ka sa akin.” 22Pagkarinig nito, malungkot na umalis ang binata sapagkat siya'y napakayaman.
23Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Tandaan ninyo: napakahirap sa isang mayaman ang makapasok sa kaharian ng langit! 24Sinasabi ko rin sa inyo: mas madali pang makadaan sa butas ng karayom ang isang kamelyo, kaysa makapasok sa kaharian ng Diyos ang isang mayaman.”
25Lubhang nagtaka ang mga alagad sa kanilang narinig kaya't nagtanong sila, “Kung gayon, sino po ang maliligtas?” 26Tiningnan sila ni Jesus at sinabi, “Hindi ito magagawa ng tao, ngunit magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.”
27Nagsalita naman si Pedro, “Tingnan po ninyo, iniwan namin ang lahat at kami'y sumunod sa inyo. Ano po naman ang para sa amin?”
28Sinabi#Mt. 25:31; Lu. 22:30. sa kanila ni Jesus, “Tandaan ninyo: kapag naghahari na ang Anak ng Tao sa kanyang trono ng kaluwalhatian sa bagong daigdig, kayong sumunod sa akin ay uupo din sa labindalawang trono upang mamuno sa labindalawang lipi ng Israel. 29Kapag iniwan ninuman ang kanyang tahanan, mga kapatid na lalaki at babae, ama, ina, [asawa,]#19:29 asawa: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang salitang ito. mga anak, o mga lupain alang-alang sa akin ay tatanggap siya ng sandaang ibayo at pagkakalooban siya ng buhay na walang hanggan. 30Ngunit#Mt. 20:16; Lu. 13:30. maraming nauuna na magiging huli, at maraming nahúhulí na mauuna.”
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
New Testament © 2012 Philippine Bible Society
Old Testament © 2005 Philippine Bible Society