Luke 6
6
A Question about the Sabbath
(Matthew 12.1-8; Mark 2.23-28)
1 #
Dt 23.25. One Sabbath when Jesus and his disciples were walking through some wheat fields,#6.1 walking through some wheat fields: It was the custom to let hungry travelers pick grains of wheat. the disciples picked some wheat. They rubbed the husks off with their hands and started eating the grain.
2Some Pharisees said, “Why are you picking grain on the Sabbath? You're not supposed to do that!”
3 #
1 S 21.1-6. Jesus answered, “You surely have read what David did when he and his followers were hungry. 4#Lv 24.9. He went into the house of God and took the sacred loaves of bread that only priests were supposed to eat. He not only ate some himself, but even gave some to his followers.”
5Jesus finished by saying, “The Son of Man is Lord over the Sabbath.”
A Man with a Paralyzed Hand
(Matthew 12.9-14; Mark 3.1-6)
6On another Sabbath#6.6 On another Sabbath: Some manuscripts have a reading which may mean “the Sabbath after the next.” Jesus was teaching in a synagogue, and a man with a paralyzed right hand was there. 7Some Pharisees and teachers of the Law of Moses kept watching Jesus to see if he would heal the man. They did this because they wanted to accuse Jesus of doing something wrong.
8Jesus knew what they were thinking, so he told the man to stand up where everyone could see him. And the man stood up. 9Then Jesus asked, “On the Sabbath should we do good deeds or evil deeds? Should we save someone's life or destroy it?”
10After he had looked around at everyone, he told the man, “Stretch out your hand.” He did, and his bad hand became completely well.
11The teachers and the Pharisees were furious and started saying to one another, “What can we do about Jesus?”
Jesus Chooses His Twelve Apostles
(Matthew 10.1-4; Mark 3.13-19)
12About that time Jesus went off to a mountain to pray, and he spent the whole night there. 13The next morning he called his disciples together and chose twelve of them to be his apostles. 14One was Simon, and Jesus named him Peter. Another was Andrew, Peter's brother. There were also James, John, Philip, Bartholomew, 15Matthew, Thomas, and James the son of Alphaeus. The rest of the apostles were Simon, known as the Eager One,#6.15 known as the Eager One: The word “eager” translates the Greek word “zealot,” which was a name later given to the members of a Jewish group that resisted and fought against the Romans. 16Jude, who was the son of James, and Judas Iscariot,#6.16 Iscariot: This may mean “a man from Kerioth” (a place in Judea). But more probably it means “a man who was a liar” or “a man who was a betrayer.” who later betrayed Jesus.
Jesus Teaches, Preaches, and Heals
(Matthew 4.23-25)
17Jesus and his apostles went down from the mountain and came to some flat, level ground. Many other disciples were there to meet him. Large crowds of people from all over Judea, Jerusalem, and the coastal towns of Tyre and Sidon were there too. 18These people had come to listen to Jesus and to be healed of their diseases. All who were troubled by evil spirits were also healed. 19Everyone was trying to touch Jesus, because power was going out from him and healing them all.
Blessings and Troubles
(Matthew 5.1-12)
20Jesus looked at his disciples and said:
God will bless you people
who are poor.
His kingdom belongs to you!
21God will bless
you hungry people.
You will have plenty
to eat!
God will bless you people
who are now crying.
You will laugh!
22 #
1 P 4.14. God will bless you when others hate you and won't have anything to do with you. God will bless you when people insult you and say cruel things about you, all because you are a follower of the Son of Man. 23#2 Ch 36.16; Ac 7.52. Long ago your own people did these same things to the prophets. So when this happens to you, be happy and jump for joy! You will have a great reward in heaven.
24But you rich people
are in for trouble.
You have already had
an easy life!
25You well-fed people
are in for trouble.
You will go hungry!
You people
who are laughing now
are in for trouble.
You are going to cry
and weep!
26You are in for trouble when everyone says good things about you. That is what your own people said about those prophets who told lies.
Love for Enemies
(Matthew 5.38-48; 7.12a)
27This is what I say to all who will listen to me:
Love your enemies, and be good to everyone who hates you. 28Ask God to bless anyone who curses you, and pray for everyone who is cruel to you. 29If someone slaps you on one cheek, don't stop that person from slapping you on the other cheek. If someone wants to take your coat, don't try to keep back your shirt. 30Give to everyone who asks and don't ask people to return what they have taken from you. 31#Tb 4.15; Mt 7.12. Treat others just as you want to be treated.
32If you love only someone who loves you, will God praise you for that? Even sinners love people who love them. 33If you are kind only to someone who is kind to you, will God be pleased with you for that? Even sinners are kind to people who are kind to them. 34If you lend money only to someone you think will pay you back, will God be pleased with you for that? Even sinners lend to sinners because they think they will get it all back.
35 #
Si 4.10,11. But love your enemies and be good to them. Lend without expecting to be paid back.#6.35 without expecting to be paid back: Some manuscripts have “without giving up on anyone.” Then you will get a great reward, and you will be the true children of God in heaven. He is good even to people who are unthankful and cruel. 36Have pity on others, just as your Father has pity on you.
Judging Others
(Matthew 7.1-5)
37Jesus said:
Don't judge others, and God won't judge you. Don't be hard on others, and God won't be hard on you. Forgive others, and God will forgive you. 38If you give to others, you will be given a full amount in return. It will be packed down, shaken together, and spilling over into your lap. The way you treat others is the way you will be treated.
39 #
Mt 15.14. Jesus also used some sayings as he spoke to the people. He said:
Can one blind person lead another blind person? Won't they both fall into a ditch? 40#Mt 10.24,25; Jn 13.16; 15.20. Are students better than their teacher? But when they are fully trained, they will be like their teacher.
41You can see the speck in your friend's eye, but you don't notice the log in your own eye. 42How can you say, “My friend, let me take the speck out of your eye,” when you don't see the log in your own eye? You show-offs! First, get the log out of your own eye; then you can see how to take the speck out of your friend's eye.
A Tree and Its Fruit
(Matthew 7.17-20; 12.34b,35)
43A good tree cannot produce bad fruit, and a bad tree cannot produce good fruit. 44#Mt 12.33. You can tell what a tree is like by the fruit it produces. You cannot pick figs or grapes from thornbushes. 45#Mt 12.34. Good people do good things because of the good in their hearts, but bad people do bad things because of the evil in their hearts. Your words show what is in your heart.
Two Builders
(Matthew 7.24-27)
46Why do you keep on saying that I am your Lord, when you refuse to do what I say? 47Anyone who comes and listens to me and obeys me 48is like someone who dug down deep and built a house on solid rock. When a flood came and the river rushed against the house, it was built so well that it didn't even shake. 49But anyone who hears what I say and doesn't obey me is like someone whose house wasn't built on solid rock. As soon as the river rushed against that house, it was smashed to pieces!
Currently Selected:
Luke 6: CEV
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Contemporary English Version, Second Edition (CEV®)
© 2006 American Bible Society. All rights reserved.
Lucas 6
6
Katanungan tungkol sa Araw ng Pamamahinga
(Mt. 12:1-8; Mc. 2:23-28)
1Isang#Deut. 23:25. Araw ng Pamamahinga,#6:1 Isang Araw ng Pamamahinga: Sa ibang manuskrito'y Noong ikalawang Araw ng Pamamahinga ng unang buwan. nagdaraan sina Jesus sa isang triguhan. Ang kanyang mga alagad ay pumitas ng mga trigo, kinuskos sa kanilang mga kamay at kanila itong kinain. 2“Bakit kayo gumagawa ng ipinagbabawal ng Kautusan sa Araw ng Pamamahinga?” tanong ng ilang Pariseo.
3Sinagot#1 Sam. 21:1-6. sila ni Jesus, “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang minsang magutom sila ng kanyang mga kasama? 4Di#Lev. 24:9. ba't pumasok siya sa bahay ng Diyos at kumain ng tinapay na handog, na bawal kainin ninuman maliban sa mga pari lamang? Binigyan pa niya ang kanyang mga kasama.” 5At sinabi pa ni Jesus, “Ang Anak ng Tao ay Panginoon ng Araw ng Pamamahinga.”
Ang Taong Paralisado ang Kamay
(Mt. 12:9-14; Mc. 3:1-6)
6Noong isa pang Araw ng Pamamahinga,#6:6 Isang Araw ng Pamamahinga: Sa ibang manuskrito'y Noong ikalawang Araw ng Pamamahinga ng unang buwan. pumasok si Jesus sa sinagoga at nagturo. Doon ay may isang lalaking paralisado ang kanang kamay. 7Sa hangad ng mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na magkaroon ng maipaparatang kay Jesus, binantayan nila si Jesus upang tingnan kung siya'y magpapagaling ng maysakit sa Araw ng Pamamahinga. 8Subalit alam ni Jesus ang kanilang iniisip kaya't sinabi niya sa lalaking paralisado ang kamay, “Halika, tumayo ka rito.” Lumapit ang lalaki at tumayo nga roon. 9Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, “Tatanungin ko kayo. Alin ba ang naaayon sa Kautusan, ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga? Ang magligtas ng buhay o ang pumatay?” 10Tiningnan niyang isa-isa ang mga taong nakapaligid at pagkatapos ay sinabi sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay!” Iniunat nga ng lalaki ang kanyang kamay at ito'y gumaling.
11Nagngitngit naman sa galit ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, at pinag-usapan nila kung ano ang maaari nilang gawin kay Jesus.
Pinili ang Labindalawa
(Mt. 10:1-4; Mc. 3:13-19)
12Nang panahong iyon, umakyat si Jesus sa isang bundok at magdamag siyang nanalangin sa Diyos. 13Kinaumagahan, tinawag niya ang kanyang mga alagad. Mula sa kanila ay pumili siya ng labindalawa na tinawag niyang mga apostol. 14Sila ay sina Simon, na pinangalanan niyang Pedro, si Andres na kapatid nito, sina Santiago, Juan, Felipe, Bartolome, 15Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, si Simon na Makabayan, 16si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote na naging taksil.
Nagturo at Nagpagaling si Jesus
(Mt. 4:23-25)
17Pagbaba ni Jesus kasama ang mga apostol, nadatnan nila sa isang patag na lugar ang marami sa kanyang mga alagad, kasama ang napakaraming taong buhat sa Judea, Jerusalem, at mga bayan sa baybaying-dagat ng Tiro at Sidon. 18Pumaroon sila upang makinig, at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Pinagaling nga sila ni Jesus, pati na rin ang mga pinapahirapan ng masasamang espiritu. 19Sinisikap ng lahat ng maysakit na makahawak man lamang sa kanya, sapagkat may kapangyarihang nanggagaling sa kanya na nagpapagaling sa lahat.
Ang Pinagpala at ang Kahabag-habag
(Mt. 5:1-12)
20Tumingin si Jesus sa mga alagad, at sinabi,
“Pinagpala kayong mga dukha,
sapagkat sa inyo ang kaharian ng Diyos!
21“Pinagpala kayong mga nagugutom ngayon,
sapagkat kayo'y bubusugin.
“Pinagpala kayong mga tumatangis ngayon,
sapagkat kayo'y magsisitawa!
22“Pinagpala#1 Ped. 4:14. kayo kung dahil sa inyong pagsunod sa Anak ng Tao ay kinapopootan kayo, ipinagtatabuyan at nilalait ng mga tao, at pinaparatangang kayo ay masama. 23Magalak#2 Cro. 36:16; Gw. 7:52. kayo at lumukso sa tuwa kung gayon ang mangyari sa inyo, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.
24“Ngunit kahabag-habag kayong mga mayayaman ngayon,
sapagkat natamasa na ninyo ang kaginhawahan.
25“Kahabag-habag kayong mga busog ngayon,
sapagkat kayo'y magugutom!
“Kahabag-habag kayong mga tumatawa ngayon,
sapagkat kayo'y magdadalamhati at magsisitangis!
26“Kahabag-habag kayo, kung kayo'y pinupuri ng lahat ng tao, sapagkat gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga huwad na propeta.”
Ang Pag-ibig sa Kaaway
(Mt. 5:38-48; 7:12a)
27“Subalit sinasabi ko sa inyong mga nakikinig sa akin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ng mabuti ang mga napopoot sa inyo. 28Pagpalain ninyo ang sumusumpa sa inyo at ipanalangin ang mga nang-aapi sa inyo. 29Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila. Kapag inagaw ang iyong balabal, huwag mong ipagkait ang iyong damit. 30Bigyan mo ang bawat humihingi sa iyo; at kung may kumuha ng iyong ari-arian, huwag mo nang bawiin pa ang mga iyon. 31Gawin#Tob. 4:15; Mt. 7:12. ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo.
32“Kung ang nagmamahal lamang sa inyo ang inyong mamahalin, anong pagpapala ang nararapat sa inyo? Ang mga makasalanan man ay nagmamahal din sa mga nagmamahal sa kanila. 33Kung ang mga gumagawa lamang ng mabuti sa inyo ang gagawan ninyo ng mabuti, anong pagpapala ang nararapat sa inyo? Kahit ang masasamang tao ay gumagawa rin niyan! 34At kung ang makakabayad lamang ang inyong pauutangin, anong pagpapala ang nararapat sa inyo? Kahit ang masasamang tao ay nagpapautang din sa kapwa nila masama, sa pag-asang sila'y mababayaran. 35Sa#Ecc. 4:10-11. halip, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti sa kanila. Magpahiram kayo na hindi umaasa ng anumang kabayaran. Sa gayon, malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayo'y magiging mga anak ng Kataas-taasang Diyos. Sapagkat siya'y mabuti kahit sa masasama at sa mga hindi marunong magpasalamat. 36Maging mahabagin kayo tulad ng inyong Ama na mahabagin.”
Ang Paghatol sa Kapwa
(Mt. 7:1-5)
37“Huwag kayong humatol at hindi kayo hahatulan. Huwag kayong magparusa at hindi kayo parurusahan. Magpatawad kayo at kayo'y patatawarin. 38Magbigay kayo at kayo'y bibigyan din; hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang panukat na ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamiting panukat sa inyo.”
39Tinanong#Mt. 15:14. sila ni Jesus nang patalinghaga, “Maaari kayang mag-akay ang isang bulag ng kapwa niya bulag? Pareho silang mahuhulog sa hukay kapag ginawa nila ang ganoon! 40Walang#Mt. 10:24-25; Jn. 13:16; 15:20. alagad na nakakahigit sa kanyang guro, ngunit matapos maturuang lubos, ang alagad ay makakatulad ng kanyang guro.
41“Bakit mo pinapansin ang puwing ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang troso sa iyong mata? 42Paano mo masasabi sa iyong kapatid, ‘Kapatid, hayaan mong alisin ko ang iyong puwing,’ gayong hindi mo nakikita ang trosong nasa iyong mata? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang troso sa iyong mata, nang makakita kang mabuti; sa gayon, maaalis mo na ang puwing ng iyong kapatid.”
Sa Bunga Makikilala ang Puno
(Mt. 7:16-20; 12:33-35)
43“Walang mabuting punongkahoy na namumunga ng masama, at wala ring masamang puno na namumunga ng mabuti. 44Nakikilala#Mt. 12:33. ang bawat puno sa pamamagitan ng kanyang bunga. Sapagkat hindi nakakapitas ng igos sa matitinik na halaman o ng ubas sa mga dawag. 45Ang#Mt. 12:34. mabuting tao ay naglalabas ng mabuti mula sa kanyang pusong sagana sa kabutihan, samantalang ang masamang tao naman ay naglalabas ng masama mula sa kanyang pusong puno ng kasamaan. Sapagkat kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng labi.”
Ang Dalawang Uri ng Taong Nagtayo ng Bahay
(Mt. 7:24-27)
46“Bakit ninyo ako tinatawag na ‘Panginoon, Panginoon,’ gayong hindi naman ninyo tinutupad ang sinasabi ko? 47Sasabihin ko sa inyo kung ano ang katulad ng taong lumalapit sa akin, nakikinig sa aking mga salita, at nagsasagawa ng mga ito. 48Siya ay katulad ng isang taong humukay nang malalim at nagtayo ng bahay sa pundasyong bato. Nang bumaha at bumugso ang tubig, hindi natinag ang bahay na itinayo, sapagkat matibay ang pagkakatayo nito. 49Ngunit ang nakikinig naman ng aking mga salita at hindi tumutupad nito ay katulad ng isang taong nagtayo ng bahay nang walang pundasyon. Nang bumaha at bumugso ang tubig sa bahay na iyon, kaagad itong bumagsak at lubusang nawasak.”
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
New Testament © 2012 Philippine Bible Society
Old Testament © 2005 Philippine Bible Society