1 Thessalonians 2
2
Paul's Work in Thessalonica
1My friends, you know our time with you wasn't wasted. 2#Ac 16.19-24; Ac 17.1-9. As you remember, we had been mistreated and insulted at Philippi. But God gave us the courage to tell you the good news about him, even though many people caused us trouble. 3We didn't have any hidden motives when we won you over, and we didn't try to fool or trick anyone. 4God was pleased to trust us with his message. We didn't speak to please people, but to please God who knows our motives.
5You also know we didn't try to flatter anyone. God himself knows what we did wasn't a cover-up for greed. 6We were not trying to get you or anyone else to praise us. 7But as apostles, we could have demanded help from you. After all, Christ is the one who sent us. We chose to be like children or like a mother#2.7 like children or like a mother: Some manuscripts have “as gentle as a mother.” nursing her baby. 8We cared so much for you, and you became so dear to us, that we were willing to give our lives for you when we gave you God's message.
9My dear friends, you surely haven't forgotten our hard work and hardships. You remember how night and day we struggled to make a living, so we could tell you God's message without being a burden to anyone. 10Both you and God are witnesses that we were pure and honest and innocent in our dealings with you followers of the Lord. 11You also know we did everything for you that parents would do for their own children. 12We begged, encouraged, and urged each of you to live in a way that would honor God. He is the one who chose you to share in his own kingdom and glory.
13We always thank God that you believed the message we preached. It came from him, and it isn't something made up by humans. You accepted it as God's message, and now he is working in you. 14#Ac 17.5. My friends, you did just like God's churches in Judea and like the other followers of Christ Jesus there. And so, you were mistreated by your own people, in the same way they were mistreated by their people.
15 #
Ac 9.23,29; 13.45,50; 14.2,5,19; 17.5,13; 18.12. Those evil people killed the Lord Jesus and the prophets, and they even chased us away. God doesn't like what they do and neither does anyone else. 16They keep us from speaking his message to the Gentiles and from leading them to be saved. They have always gone too far with their sins. Now God has finally become angry and will punish them.
Paul Wants To Visit the Church Again
17My friends, we were kept from coming to you for a while, but we never stopped thinking about you. We were eager to see you and tried our best to visit you in person. 18We really wanted to come. I myself tried several times, but Satan always stopped us. 19After all, when the Lord Jesus appears, who else but you will give us hope and joy and be like a glorious crown for us? 20You alone are our glory and joy!
Currently Selected:
1 Thessalonians 2: CEV
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Contemporary English Version, Second Edition (CEV®)
© 2006 American Bible Society. All rights reserved.
1 Mga Taga-Tesalonica 2
2
Ang Paglilingkod ni Pablo sa Tesalonica
1Mga kapatid, kayo na rin ang nakakaalam na hindi nawalan ng kabuluhan ang pagpunta namin sa inyo. 2Alam#Gw. 16:19-24; Gw. 17:1-9. ninyong hinamak kami't ininsulto sa Filipos, ngunit sa kabila ng maraming hadlang, binigyan kami ng Diyos ng lakas ng loob na ipahayag sa inyo ang Magandang Balita. 3Ang pangangaral namin sa inyo ay hindi batay sa kamalian, o sa masamang pagnanasa, o sa hangad na manlinlang. 4Sapagkat minarapat ng Diyos na ipagkatiwala sa amin ang Magandang Balita, nangangaral kami sa inyo, hindi upang bigyang-kasiyahan ang tao, kundi ang Diyos na nakakasiyasat ng ating puso. 5Alam ng Diyos at alam din ninyo na ang aming pangangaral ay hindi sa pamamagitan ng matatamis na pangungusap, o ng mga salitang nagkukubli ng kasakiman. 6Hindi kami naghangad ng papuri ninyo o ninuman 7kahit na, bilang mga apostol ni Cristo, ay may katuwiran kaming umasa ng ganoon. Ngunit naging magiliw kami sa inyo, tulad ng isang mapagkalingang ina sa kanyang mga anak. 8Dahil sa laki ng aming pagmamahal sa inyo, hindi lamang namin inihandog ang aming sarili sa pangangaral sa inyo ng Magandang Balita, kundi maging ang aming buhay ay ihahandog din namin. 9Mga kapatid, tiyak na natatandaan pa ninyo kung paano kami nagtrabaho at nagsikap araw-gabi para hindi kami makabigat kaninuman habang ipinapahayag namin sa inyo ang Magandang Balitang mula sa Diyos.
10Saksi ang Diyos at saksi rin namin kayo, kung paanong naging dalisay, matuwid, at walang kapintasan ang aming pakikitungo sa inyo na mga sumasampalataya. 11Tulad ng alam ninyo, kami'y naging parang ama sa bawat isa sa inyo. 12Pinayuhan namin kayo, pinalakas namin ang inyong loob, at hinikayat na mamuhay nang tapat sa paningin ng Diyos na tumawag sa inyo upang mapabilang sa kanyang kaharian at kaluwalhatian.
13Kaya nga, palagi kaming nagpapasalamat sa Diyos, sapagkat nang ipangaral namin sa inyo ang kanyang salita, hindi ninyo ito tinanggap mula sa tao, kundi bilang tunay na salita ng Diyos, at ang bisa nito'y nakikita sa buhay ninyo na mga sumasampalataya. 14Mga#Gw. 17:5. kapatid, ang nangyari sa inyo ay tulad ng nangyari sa mga iglesya ng Diyos sa Judea, sa mga nananalig kay Cristo Jesus. Inuusig kayo ng inyong mga kababayan, tulad din ng mga taga-Judea na inusig ng kapwa nila Judio. 15Ang#Gw. 9:23, 29; 13:45, 50; 14:2, 5, 19; 17:5, 13; 18:12. mga Judiong ito ang pumatay sa Panginoong Jesus at sa mga propeta. Sila rin ang umuusig sa amin. Nagagalit sa kanila ang Diyos at kaaway sila ng lahat ng tao! 16Hinahadlangan nila ang aming pangangaral na makakapagligtas sa mga Hentil. Umabot na sa sukdulan ang kanilang kasamaan, kaya't ngayon ay bumagsak na ang poot ng Diyos sa kanila.
Ang Hangad ni Pablo na Dalawin Silang Muli
17At ngayon, mga kapatid, nang kami'y sandaling malayo sa inyo, hindi sa alaala kundi sa paningin, labis kaming nangulila. Kaya't sabik na sabik na kaming makita kayong muli 18at nais naming makabalik diyan. Makailang ulit kong binalak dumalaw diyan sa inyo, ngunit lagi kaming hinahadlangan ni Satanas. 19Hindi ba't kayo lamang ang aming pag-asa, kaligayahan, at ang koronang maipagmamalaki namin sa harap ng Panginoong Jesus pagparito niya? 20Oo, kayo ang aming karangalan at kaligayahan.
Currently Selected:
:
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society