MGA KAWIKAAN 2:1-5
MGA KAWIKAAN 2:1-5 ABTAG
Anak ko, kung iyong tatanggapin ang aking mga salita, At tataglayin mo ang aking mga utos; Na anopa't iyong ikikiling ang iyong pakinig sa karunungan, At ihihilig mo ang iyong puso sa pagunawa; Oo, kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay, At itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa; Kung iyong hahanapin siya na parang pilak, At sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago. Kung magkagayo'y iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon, At masusumpungan mo ang kaalaman ng Dios.





