Levitico 18
18
Mga Bawal na Pagtatalik
1Sinabi pa ni Yahweh kay Moises, 2“Ito ang sabihin mo sa mga Israelita: ‘Ako si Yahweh ang inyong Diyos. 3Huwag ninyong gagayahin ang mga kaugalian sa Egipto na inyong pinanggalingan o ang mga kaugalian sa Canaan na pagdadalhan ko sa inyo. 4Ang sundin ninyo'y ang mga kautusan at tuntuning ibinigay ko sa inyo. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos. 5Ang#Neh. 9:29; Eze. 18:9; 20:11-13; Lu. 10:28; Ro. 10:5; Ga. 3:12. sinumang tutupad ng aking mga kautusan at tuntunin ay mabubuhay; ako si Yahweh.’
6“Huwag kayong makipagtalik sa malapit na kamag-anak. Ako si Yahweh. 7Huwag kayong makipagtalik sa inyong ina, iyan ay kahihiyan sa inyong ama. Hindi ninyo dapat halayin ang inyong ina. 8Huwag#Lev. 20:11; Deut. 22:30; 27:20. kayong makipagtalik sa ibang asawa ng inyong ama, inilalagay ninyo sa kahihiyan ang inyong sariling ama. 9Huwag#Lev. 20:17; Deut. 27:22. kayong makipagtalik sa inyong kapatid na babae, maging siya'y anak ng inyong ama o ng inyong ina, ipinanganak man siya sa inyong lupain o sa ibang bayan. 10Huwag kayong makipagtalik sa inyong apo, maging sa anak ninyong lalaki o babae; iyan ay kahihiyan sa inyo. 11Huwag kayong makipagtalik sa anak ng inyong ama sa ibang babae, sapagkat siya'y kapatid din ninyo. 12Huwag#Lev. 20:19-20. kayong makipagtalik sa kapatid na babae ng inyong ama, siya'y kadugo ng inyong ama. 13Huwag kayong makipagtalik sa kapatid na babae ng inyong ina, siya'y kadugo ng inyong ina. 14Huwag kayong makipagtalik sa asawa ng inyong tiyo, tiya mo na rin siya. 15Huwag#Lev. 20:12. kayong makipagtalik sa inyong manugang na babae; siya'y asawa ng inyong anak na lalaki. Hindi ninyo dapat ilagay sa kahihiyan ang inyong sariling anak. 16Huwag#Lev. 20:21. kayong makipagtalik sa inyong hipag; taglay niya ang kapurihan ng inyong kapatid. 17Huwag#Lev. 20:14; Deut. 27:23. kayong makipagtalik sa anak o sa apong babae ng isang babaing nakatalik ninyo noon. Maaaring ang mga iyon ay kamag-anak ninyo, at iyan ay kahalayan. 18Hindi ninyo maaaring maging asawa ang inyong hipag kung buháy pa ang inyong asawa. Inilalagay ninyo sa kahihiyan ang iyong asawa na kanyang kapatid.
19“Huwag#Lev. 20:18. kayong makipagtalik sa isang babae habang siya'y may regla sapagkat siya'y marumi. 20Huwag#Lev. 20:10. ninyong durungisan ang inyong sarili sa pakikiapid sa asawa ng iba. 21Huwag#Lev. 20:1-5. ninyong ibibigay ang alinman sa inyong mga anak upang sunugin bilang handog kay Molec sapagkat ito'y paglapastangan sa pangalan ng inyong Diyos. Ako si Yahweh. 22Huwag#Lev. 20:13. kayong makipagtalik sa kapwa ninyo lalaki; iyan ay karumal-dumal. 23Huwag#Exo. 22:19; Lev. 20:15-16; Deut. 27:21. kayong makipagtalik sa alinmang hayop sapagkat durungisan ninyo ang inyong sarili kung gagawin ninyo ito. Hindi rin dapat pasiping ang sinumang babae sa anumang hayop; ito ay kasuklam-suklam.
24“Huwag ninyong durungisan ang inyong sarili sa alinman sa mga gawaing ito. Ganyan ang ginawa ng mga bansang nauna sa inyo, kaya ko sila sinumpa. 25Pati ang lupain nila'y naging kasuklam-suklam, kaya pinarusahan ko at itinakwil ang mga mamamayan doon. 26Kaya dapat ninyong sundin ang aking mga utos at tuntunin, at iwasan ninyo ang lahat ng gawaing ipinagbabawal ko, maging Israelita o dayuhan man kayo. 27Ang mga taong nauna sa inyo rito ay namuhay sa ganoong karumal-dumal na gawain kaya naging kasumpa-sumpa ang kanilang lupain. 28Kapag sila'y inyong tinularan, palalayasin din kayo sa lupaing ito, tulad ng nangyari sa kanila. 29Sapagkat ang sinumang gumawa ng alinmang karumal-dumal na gawaing ito ay dapat itiwalag sa sambayanan.
30“Sundin ninyo ang ipinag-uutos ko at huwag ninyong gagayahin ang mga kasuklam-suklam na kaugalian nila upang hindi kayo maging maruming tulad nila. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos.”
Currently Selected:
Levitico 18: MBB05
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society
Leviticus 18
18
1 AND THE Lord said to Moses,
2 Say to the Israelites, I am the Lord your God.
3 You shall not do as was done in the land of Egypt in which you dwelt, nor shall you do as is done in the land of Canaan to which I am bringing you; neither shall you walk in their statutes.
4 You shall do My ordinances and keep My statutes and walk in them. I am the Lord your God.
5 You shall therefore keep My statutes and My ordinances which, if a man does, he shall live by them. I am the Lord. [Luke 10:25-28; Rom. 10:4, 5; Gal. 3:12.]
6 None of you shall approach anyone close of kin to him to have sexual relations. I am the Lord.
7 The nakedness of your father, which is the nakedness of your mother, you shall not uncover; she is your mother; you shall not have intercourse with her.
8 The nakedness of your father's wife you shall not uncover; it is your father's nakedness.
9 You shall not have intercourse with or uncover the nakedness of your sister, the daughter of your father or of your mother, whether born at home or born abroad.
10 You must not have sexual relations with your son's daughter or your daughter's daughter; their nakedness you shall not uncover, for they are your own flesh.
11 You must not have intercourse with your father's wife's daughter; begotten by your father, she is your sister; you shall not uncover her nakedness.
12 You shall not have intercourse with your father's sister; she is your father's near kinswoman.
13 You shall not have sexual relations with your mother's sister, for she is your mother's near kinswoman.
14 You shall not have intercourse with your father's brother's wife; you shall not approach his wife; she is your aunt.
15 You shall not uncover the nakedness of your daughter-in-law; she is your son's wife; you shall not have intercourse with her.
16 You shall not have intercourse with your brother's wife; she belongs to your brother.
17 You shall not marry a woman and her daughter, nor shall you take her son's daughter or her daughter's daughter to have intercourse; they are [her] near kinswomen; it is wickedness and an outrageous offense.
18 You must not marry a woman in addition to her sister, to be a rival to her, having sexual relations with the second sister when the first one is alive.
19 Also you shall not have intercourse with a woman during her [menstrual period or similar] uncleanness.
20 Moreover, you shall not lie carnally with your neighbor's wife, to defile yourself with her.
21 You shall not give any of your children to pass through the fire and sacrifice them to Molech [the fire god], nor shall you profane the name of your God [by giving it to false gods]. I am the Lord.
22 You shall not lie with a man as with a woman; it is an abomination. [I Cor. 6:9, 10.]
23 Neither shall you lie with any beast and defile yourself with it; neither shall any woman yield herself to a beast to lie with it; it is confusion, perversion, and degradedly carnal.
24 Do not defile yourselves in any of these ways, for in all these things the nations are defiled which I am casting out before you.
25 And the land is defiled; therefore I visit the iniquity of it upon it, and the land itself vomits out her inhabitants.
26 So you shall keep My statutes and My ordinances and shall not commit any of these abominations, neither the native-born nor any stranger who sojourns among you,
27 For all these abominations have the men of the land done who were before you, and the land is defiled–
28 [Do none of these things] lest the land spew you out when you defile it as it spewed out the nation that was before you.
29 Whoever commits any of these abominations shall be cut off from among [his] people.
30 So keep My charge: do not practice any of these abominable customs which were practiced before you and defile yourselves by them. I am the Lord your God.
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
1954, 1958, 1962, 1964, 1965, 1987 by The Lockman Foundation