Salmo 95
95
Salmo 95
1Halikayo, magsiawit tayo
nang may kagalakan!
Sumigaw tayo sa pagpupuri sa Panginoon
na ating Batong kanlungan at tagapagligtas.
2Lumapit tayo sa kanya nang may pasasalamat,
at masaya nating isigaw ang mga awit
ng papuri sa kanya.
3Dahil ang Panginoon
ay dakilang Diyos.
Makapangyarihang Hari sa lahat ng mga diyos-diyosan.
4Hawak niya ang kailaliman ng lupa
maging ang tuktok ng mga bundok ay sa kanya.
5Sa kanya rin ang dagat pati ang lupain
na kanyang ginawa.
6Halikayo, lumuhod tayo at sumamba
sa Panginoon na lumikha sa atin.
7Dahil siya ang ating Diyos
at tayo ang kanyang mga mamamayan;
tulad natiʼy mga tupa sa kanyang kawan
na kanyang binabantayan at inaalagaan.
Kung maririnig nʼyo lang sana ang tinig niya!
8Sinasabi ng Panginoon,
“Huwag ninyong patigasin ang inyong puso,
tulad ng ginawa noon ng inyong mga ninuno
doon sa Meriba at sa ilang ng Masa.
9Sinubok nila ako doon,
kahit na nakita nila ang mga ginawa ko.
10Sa loob ng apatnapung taon,
lubha akong nagalit sa kanila.
At sinabi kong silaʼy mga taong naligaw ng landas
at hindi sumusunod sa aking mga itinuturo.
11Kaya sa galit koʼy sumumpa ako
na hinding-hindi nila mararanasan
ang kapahingahang inilaan ko sa kanila.”
Currently Selected:
Salmo 95: ASD
Highlight
Share
Copy

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.
Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.
―――――――
Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Used with permission. All rights reserved worldwide.