Salmo 63
63
Salmo 63
Awit na isinulat ni David habang siyaʼy nasa ilang ng Juda.
1O Diyos, kayo ang aking Diyos.
Hinahanap-hanap ko kayo.
Nananabik ako sa inyo nang
buong pusoʼt kaluluwa,
tulad ng lupang tigang sa ulan.
2Nakita ko ang presensya ninyo
doon sa Templo,
nasaksihan ko roon ang inyong kapangyarihan
at kaluwalhatian.
3Akoʼy magpupuri sa inyo,
sapagkat ang inyong wagas na pag-ibig
ay mas mainam pa kaysa buhay.
4Pasasalamatan ko kayo
habang akoʼy nabubuhay.
Itataas ko ang aking mga kamay
sa paglapit sa inyo.
5Masisiyahan ako tulad ng taong nabusog
sa malinamnam na handaan.
At magpupuri ako sa inyo ng awit ng kagalakan.#63:5 awit ng kagalakan: Sa literal, sumisigaw sa kagalakan.
6Sa aking paghimlay, kayo ang naaalala ko.
Sa buong magdamag, kayo ang iniisip ko.
7Dahil kayo ang tumutulong sa akin, aawit#63:7 aawit: Tingnan ang talababa sa talata 5|PSA 63:5. ako,
habang akoʼy nasa inyong kalinga.#63:7 habang … kalinga: Sa literal, sa lilim ng inyong pakpak.
8Lumapit ako sa inyo at inalalayan nʼyo ako
ng inyong kanang kamay
upang hindi ako mapahamak.
9Ngunit silang nagtatangka sa aking buhay
ay mapupunta sa lugar ng mga patay.
10Mamamatay sila sa labanan
at ang kanilang mga bangkay
ay kakainin ng mga asong-gubat.
11Matutuwa ang hari sa ginawa ng Diyos sa kanya.
Matutuwa rin ang mga nangako sa Diyos.
Ngunit ang lahat ng sinungaling
ay patatahimikin ng Diyos!
Currently Selected:
Salmo 63: ASD
Highlight
Share
Copy

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.
Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.
―――――――
Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Used with permission. All rights reserved worldwide.