Salmo 62
62
Salmo 62
Para kay Jedutun, ang direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.
1Sa Diyos lang akoʼy may kapahingahan;
Ang kaligtasan koʼy nagmumula sa kanya.
2Siya lang ang aking batong kanlungan
at kaligtasan.
Siya ang aking tanggulan,
kaya ligtas ako sa kapahamakan.
3Kayong mga kaaway ko,
hanggang kailan kayo sasalakay
upang akoʼy patayin?
Tulad koʼy pader
na malapit nang magiba
at bakod na malapit nang matumba.
4Gusto lamang ninyong maalis ako
sa aking mataas na katungkulan.
Tuwang-tuwa kayo sa pagsisinungaling.
Kunwariʼy pinupuri ninyo ako
ngunit sa puso ninyoʼy isinusumpa ako.
5Sa Diyos ko lang matatamo
ang kapahingahan
dahil binibigyan niya ako ng pag-asa.
6Siya lang ang aking batong kanlungan
at kaligtasan.
Siya ang aking tanggulan
kaya ligtas ako sa kapahamakan.
7Nasa Diyos ang aking kaligtasan
at karangalan.
Siya ang matibay kong batong kanlungan.
Siya ang nag-iingat sa akin.
8Kayong mga mamamayan ng Diyos,
magtiwala kayo sa kanya
sa lahat ng oras!
Sabihin sa kanya ang lahat
ng inyong suliranin,
dahil siya ang ating kanlungan.
9Ang tao, dakila man o mangmang
ay hindi mapagkakatiwalaan.
Pareho lang silang walang kabuluhan.
Magaan pa sila kaysa sa hangin
kapag tinimbang.
10Huwag kayong umasa sa perang nakuha
sa pangingikil at pagnanakaw.
Dumami man ang inyong kayamanan,
huwag ninyo itong mahalin.
11Hindi lang isang beses kong narinig
na sinabi ng Diyos na nasa kanya
ang kapangyarihan
12at tapat ang kanyang pag-ibig.
Tiyak na gagantimpalaan ng Panginoon
ang tao ayon sa kanyang mga ginawa.
Currently Selected:
Salmo 62: ASD
Highlight
Share
Copy

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.
Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.
―――――――
Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Used with permission. All rights reserved worldwide.