Salmo 54
54
Salmo 54
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Isang maskil ni David na sinasaliwan ng instrumentong may kuwerdas. Isinulat ito ni David pagkatapos isumbong ng mga taga-Zif kay Saul na nagtatago siya sa kanilang lugar.
1O Diyos, iligtas nʼyo ako
sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan
at patunayan nʼyong wala akong kasalanan.
2O Diyos, ang panalangin koʼy dinggin.
Pakinggan nʼyo po ang kahilingan ko.
3Sapagkat sinasalakay ako
ng mga dayuhan
upang akoʼy patayin.
Malulupit sila at hindi kumikilala sa inyo.
4Kayo, O Diyos ang tumutulong sa akin.
Kayo, Panginoon ang aking maaasahan.
5Ibalik nʼyo sana sa aking mga kaaway
ang kanilang kasamaan.
O Diyos, sa inyong pagkamatapat,
lipulin nʼyo sila.
6Kusang-loob akong maghahandog
sa inyo Panginoon.
Pupurihin ko ang pangalan nʼyo
dahil napakabuti ninyo.
7Iniligtas nʼyo ako
sa lahat ng paghihirap,
at nakita kong natalo
ang aking mga kaaway.
Currently Selected:
Salmo 54: ASD
Highlight
Share
Copy

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.
Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.
―――――――
Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Used with permission. All rights reserved worldwide.