Salmo 3
3
Salmo 3
Awit na isinulat ni David nang takasan niya ang kanyang anak na si Absalom.
1 Panginoon, kay dami kong kaaway;
kay daming kumakalaban sa akin!
2“Hindi siya ililigtas ng Diyos.”
Iyan ang sinasabi ng karamihan tungkol sa akin.
3Ngunit kayo Panginoon ang aking kalasag.
Pinagtatagumpay ninyo ako,
at ibinabalik ang aking pag-asa.
4Tumawag ako sa inyo, Panginoon
at sinagot nʼyo ako
mula sa inyong banal na bundok.
5At dahil iniingatan nʼyo ako,
nakakatulog ako at nagigising pa.
6Hindi ako matatakot
kahit ilang libo pang kaaway
ang nakapalibot sa akin.
7Pumarito kayo, Panginoon!
Iligtas nʼyo ako, Diyos ko,
dahil noon ay inilagay nʼyo sa kahihiyan
ang lahat ng mga kaaway ko,
at inalis mo sa mga masamang tao
ang kanilang kakayahang saktan ako.
8Kayo, Panginoon, ang nagliligtas.
Kayo rin po ang nagpapala
sa inyong mga mamamayan.
Currently Selected:
Salmo 3: ASD
Highlight
Share
Copy

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.
Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.
―――――――
Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Used with permission. All rights reserved worldwide.