Salmo 29
29
Salmo 29
Awit na isinulat ni David.
1Purihin ang Panginoon, kayong mga nilalang sa kalangitan.
Purihin ang Panginoon sa kanyang kadakilaan at kapangyarihan.
2Papurihan ang Panginoon ng mga papuring nararapat sa kanyang pangalan.
Sambahin ninyo siya sa kanyang banal na presensya.
3Ang tinig ng Panginoong Diyos
na makapangyarihan ay dumadagundong
na parang kulog sa ibabaw ng malalakas na alon ng karagatan.
4Ang tinig ng Panginoon
ay makapangyarihan at kagalang-galang.
5Ang tinig ng Panginoon ay makakabali
at makakapagpira-piraso ng pinakamatibay
na mga puno ng sedro sa Lebanon.
6Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang mga bundok sa Lebanon
at ang bundok ng Hermon#29:6 Hermon: Sa Hebreo, Sirion.,
na parang mailap na baka na tumatalon-talon.
7Ang tinig ng Panginoon ang nagpapakidlat.
8Ang tinig din ng Panginoon
ang nagpapayanig sa Disyerto ng Kades.
9Sa tinig ng Panginoon, napapagalaw ang mga puno ng ensina,#29:9 napapagalaw ang mga puno ng ensina: Sa literal, napapaanak ang mga usa.
at nalalagas ang mga dahon sa kagubatan.
At ang lahat ng nasa Templo
ay sumisigaw,
“Ang Diyos ay makapangyarihan!”
10Ang Panginoon ang may kapangyarihan sa mga baha.
Maghahari siya magpakailanman.
11Ang Panginoon ang nagbibigay
ng kalakasan sa kanyang mga mamamayan,
at pinagpapala niya sila ng mabuting kalagayan.
Currently Selected:
Salmo 29: ASD
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.
Mga Awit 29
29
Ang Tinig ni Yahweh sa Gitna ng Unos
Awit ni David.
1Purihin#Awit 96:7-9. ninyo si Yahweh, mga nilikha sa kalangitan,
kilalanin ang kanyang lakas at kanyang kaluwalhatian.
2Purihin ang kanyang maluwalhating pangalan,
sambahin si Yahweh sa banal na kaayusan.
3Tinig ni Yahweh'y naririnig sa ibabaw ng dagat,
ang dakilang Diyos ay nagpapakidlat,
umaalingawngaw at naririnig ng lahat.
4Tinig ni Yahweh'y makapangyarihan,
at punung-puno ng kadakilaan.
5Maging mga punong sedar ng Lebanon,
sa tinig ni Yahweh, mawawasak ang mga iyon.
6Parang guyang pinalulundag niya ang mga bundok ng Lebanon,
parang torong pinalulukso niya ang Bundok Hermon.
7Dahil sa tinig ni Yahweh, kidlat ay gumuguhit.
8Kapag siya'y nagsalita, disyerto'y nayayanig;
inuuga niya pati ang ilang ng Kades.
9Sa tinig ni Yahweh, mga usa'y napapaanak,
at nakakalbo pati ang mga gubat,
lahat ng nasa Templo'y sumisigaw, “Ang Diyos ay papurihan!”
10Si Yahweh'y naghahari sa mga kalaliman,
nakaupo sa trono, bilang hari kailanman.
11Si Yahweh ang nagbibigay-lakas sa kanyang bayan,
at pinagpapala sila ng mapayapang buhay.
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society