Salmo 25
25
Salmo 25
Awit na isinulat ni David.
1 Panginoon kong Diyos, sa inyo,
akoʼy nananalangin.
2Sa inyo, o Diyos, akoʼy nagtitiwala.
Huwag nʼyo pong hayaan na mapahiya ako
at pagtawanan ng aking mga kaaway
dahil sa aking pagkatalo.
3Ang sinumang nagtitiwala sa inyo
ay hindi malalagay sa kahihiyan,
ngunit mapapahiya ang mga traydor.
4Ituro nʼyo sa akin, Panginoon,
ang tamang pamumuhay,
ang tuwid na daan na dapat kong lakaran.
5Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan,
dahil kayo ang Diyos na aking tagapagligtas.
Kayo ang lagi kong inaasahan.
6 Panginoon, alalahanin po ninyo ang inyong dakilang pag-ibig at kabutihan,
na inyong ipinakita mula pa noong una.
7Alalahanin ninyo ako Panginoon,
ayon sa inyong kabutihan at pag-ibig,
huwag ang mga kasalanan at pagsuway ko
mula pa noong aking pagkabata.
8Mabuti at matuwid po kayo, Panginoon,
kaya tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan
ang mga makasalanan.
9Pinapatnubayan nʼyo ang mga mapagpakumbaba upang gumawa ng tama.
Silaʼy tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan.
10Lahat ng ginagawa nʼyo
ay nagpapakita ng inyong pag-ibig
at katapatan sa mga sumusunod
sa inyong mga kautusan.
11 Panginoon, alang-alang sa inyong pangalan,
patawarin nʼyo ako sa napakarami kong kasalanan.
12Ang sinumang may takot sa inyo, Panginoon,
ay turuan nʼyo po ng daan na dapat niyang lakaran.
13Mabubuhay sila nang masagana,
at ang kanilang lahi ay patuloy na maninirahan
sa lupaing ipinangako ng Diyos.
14Malapít ang Panginoonsa mga taong
may takot sa kanya,
at itinuturo niya sa kanila ang kanyang kasunduan.
15Palagi akong umaasa sa inyo, Panginoon,
dahil kayo ang palaging nagliligtas sa akin
sa kapahamakan.
16Lingunin nʼyo po ako at inyong kahabagan,
dahil akoʼy nag-iisa at naghihirap.
17Lalong lumalala ang bigat sa aking kalooban.
Hanguin nʼyo po ako sa aking mga kalungkutan.
18Tingnan nʼyo ang dinaranas kong mga kahirapan,
at patawarin nʼyo ang lahat kong kasalanan.
19Tingnan nʼyo kung gaano karami
ang aking mga kaaway
at kung gaano katindi
ang galit nila sa akin.
20Iligtas nʼyo ako,
at ingatan ang aking buhay!
Nanganganlong ako sa inyo;
huwag nʼyong hayaan na mapahiya ako.
21Iligtas nawa ako ng pamumuhay ko nang matuwid
at walang kapintasan,
sapagkat sa inyo ako umaasa.
22O Diyos, palayain nʼyo po ang Israel sa lahat ng hirap
na kanilang pinapasan.
Currently Selected:
Salmo 25: ASD
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.
Mga Awit 25
25
Panalangin Upang Patnubayan at Ingatan
Katha ni David.
1Sa iyo, Yahweh, dalangin ko'y ipinapaabot;
2sa iyo, O Diyos, ako'y tiwalang lubos.
Huwag hayaang malagay ako sa kahihiyan,
at pagtawanan ako ng aking mga kaaway!
3Mga may tiwala sa iyo'y huwag malagay sa kahihiyan,
at ang mga taksil sa iyo'y magdanas ng kasawian.
4Ituro mo sa akin, Yahweh, ang iyong kalooban,
at ang iyong landas, sa akin ay ipaalam.
5Turuan mo akong mamuhay ayon sa katotohanan,
sapagkat ikaw ang Diyos ng aking kaligtasan;
sa buong maghapo'y ikaw ang inaasahan.
6Alalahanin mo, Yahweh, ang pag-ibig mong wagas,
na ipinakita mo na noong panahong lumipas.
7Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, sa mga kamalian ko noong aking kabataan;
ayon sa pag-ibig mong walang katapusan,
ako sana, Yahweh, ay huwag kalimutan!
8Si Yahweh ay mabuti at siya'y makatarungan,
itinuturo niya sa makasalanan ang tamang daan.
9Sa mapagpakumbabá siya ang gumagabay,
sa kanyang kalooban kanyang inaakay.
10Tapat ang pag-ibig, siya ang patnubay,
sa lahat ng mga taong sumusunod, sa utos at tipan siya'ng sumusubaybay.
11Ang iyong pangako, Yahweh, sana'y tuparin,
ang marami kong sala'y iyong patawarin.
12Ang taong kay Yahweh ay gumagalang,
matututo ng landas na dapat niyang lakaran.
13Ang buhay nila'y palaging sasagana,
mga anak nila'y magmamana sa lupa.
14Sa mga masunurin, si Yahweh'y isang kaibigan,
ipinapaunawa niya sa kanila, kanyang kasunduan.
15Si Yahweh lang ang laging inaasahan,
na magliligtas sa akin sa kapahamakan.
16Lingapin mo ako, at ako'y kahabagan,
pagkat nangungulila at nanlulupaypay.
17Pagaanin mo ang aking mga pasanin,
mga gulo sa buhay ko'y iyong payapain.
18Alalahanin mo ang hirap ko at suliranin,
at lahat ng sala ko ay iyong patawarin.
19Tingnan mo't napakarami ng aking kaaway,
at labis nila akong kinamumuhian!
20Ipagtanggol mo ako't iligtas ang aking buhay,
huwag tulutang ako'y malagay sa kahihiyan,
pagkat kaligtasan ko'y sa iyo nakasalalay.
21Iligtas nawa ako ng kabutihan ko't katapatan,
sapagkat ikaw ang aking pinagtitiwalaan.
22Hanguin mo, O Diyos, ang bayang Israel,
sa kanilang kaguluhan at mga suliranin!
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society