Salmo 24:1-4
Salmo 24:1-4 ASD
Ang buong mundo at ang lahat ng naririto ay pag-aari ng Panginoon. Itinayo niya ang pundasyon ng mundo sa kailaliman ng dagat. Sino ang karapat-dapat umakyat sa bundok ng Panginoon? At sino ang maaaring tumuntong sa kanyang banal na lugar? Makatutuntong ang may matuwid na pamumuhay at malinis na puso, ang hindi sumasamba sa mga diyos-diyosan, at ang hindi sumusumpa ng kasinungalingan.








