Salmo 126
ASND

Salmo 126

126
Salmo 126#126 Salmo 126 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit habang paakyat.
Dalangin para Iligtas
1Nang muling ibinalik ng Panginoon sa Zion ang mga nabihag,#126:1 mga nabihag: o, kaunlaran at katahimikan. parang itoʼy panaginip lang.
2Kami ay nagtawanan at nag-awitan dahil sa kagalakan.
At sinabi ng mga bansang hindi kumikilala sa Panginoon,
“Gumawa ng dakilang bagay ang Panginoon sa kanila.”
3Totoong ginawan tayo ng dakilang bagay ng Panginoon,
at punong-puno tayo ng kagalakan.
4 Panginoon, muli nʼyo kaming paunlarin,
tulad ng tuyong batis na muling nagkaroon ng tubig.
5Silang nagtatanim na lumuluha ay mag-aaning tuwang-tuwa.
6Ang umalis na lumuluha, na may dalang binhi na itatanim ay babalik na masaya, na may dala-dalang mga ani.

Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)

Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®

Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.

Learn More About Ang Salita ng Dios