Salmo 120
120
Salmo 120
Awit na kinakanta ng mga umaakyat sa Jerusalem.
1Sa aking paghihirap akoʼy tumawag sa Panginoon,
at akoʼy kanyang sinagot.
2 Panginoon, iligtas nʼyo ako
sa mga mandaraya at sinungaling.
3Kayong mga sinungaling,
ano kaya ang parusa ng Diyos sa inyo?
4Parurusahan niya kayo
sa pamamagitan ng matatalim na pana ng mga kawal
at nagliliyab na baga.
5Nakakaawa ako dahil naninirahan akong kasama
ng mga taong kasinsama ng mga taga-Mesec
at mga taga-Kedar.
6Matagal na rin akong naninirahang
kasama ng mga walang hilig sa kapayapaan.
7Ang nais koʼy kapayapaan,
ngunit kapag akoʼy nagsalita tungkol sa kapayapaan,
ang gusto nilaʼy digmaan.
Currently Selected:
Salmo 120: ASD
Highlight
Share
Copy

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.
Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.
―――――――
Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Used with permission. All rights reserved worldwide.