Salmo 116
116
Salmo 116
1Mahal ko ang Panginoon,
dahil dinidinig niya ang paghingi ko
ng tulong sa kanya.
2Dahil pinakikinggan niya ako,
patuloy akong tatawag sa kanya habang akoʼy nabubuhay.
3Natakot ako dahil nararamdaman kong
malapit na akong mamatay.
Ang kamatayan ay parang tali
na pumupulupot sa akin.
Nag-aalala ako at naguguluhan,
4kaya tumawag ako sa Panginoon,
“Panginoon, iligtas nʼyo po ako.”
5Ang Panginoon nating Diyos
ay mabuti, matuwid at mahabagin.
6Iniingatan ng Panginoon
ang mga kulang sa kaalaman.
Nang wala na akong magawa,
akoʼy iniligtas niya.
7Magpapakatatag ako,
dahil ang Panginoon
ay mabuti sa akin.
8Sapagkat iniligtas niya ako sa kamatayan,
sa kalungkutan at kapahamakan.
9Kaya mamumuhay ako na malapit sa Panginoon dito sa mundo ng mga buháy.
10Kahit na sinabi kong,
“Sukdulan na ang paghihirap ko,”
nagtitiwala pa rin ako sa kanya.
11Sa aking pagkabalisa ay nasabi kong,
“Wala ni isang taong mapagkatiwalaan.”
12Ano kaya ang maigaganti ko sa Panginoon
sa lahat ng kabutihan niya sa akin?
13Sasambahin ko ang Panginoon,
at maghahandog ako sa kanya ng pasasalamat
sa kanyang pagliligtas sa akin.
14Tutuparin ko ang aking
mga pangako sa Panginoon
sa harap ng kanyang mga mamamayan.
15Nasasaktan ang Panginoon
kung mamatay ang kanyang
mga tapat na mga mamamayan.#116:15 Nasasaktan … mamamayan: O Mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang tapat na mga mamamayan.
16 Panginoon, ako nga ay inyong lingkod.#116:16 ako nga … lingkod: O ako nga ay inyong lingkod tulad ng aking ina na inyo ring lingkod.
Iniligtas nʼyo ako sa pagkabihag.
17Sasamba ako sa inyo
at mag-aalay ng handog bilang pasasalamat.
18Tutuparin ko ang aking mga pangako
sa inyo Panginoon
sa harap ng inyong mga mamamayan,
19doon sa inyong templo sa Jerusalem.
Purihin ang Panginoon!
Currently Selected:
Salmo 116: ASD
Highlight
Share
Copy

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.
Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.
―――――――
Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Used with permission. All rights reserved worldwide.