YouVersion Logo
Search Icon

Salmo 113

113
Salmo 113
Pagpupuri sa Kabutihan ng Dios
1Purihin nʼyo ang Panginoon!
Kayong mga lingkod ng Panginoon, purihin nʼyo siya!
2Purihin nʼyo ang Panginoon,
ngayon at magpakailanman.
3Mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw,
ang pangalan ng Panginoon ay dapat papurihan.
4Maghahari ang Panginoon sa lahat ng bansa,
ang kanyang kaluwalhatian ay hindi mapapantayan.
5Walang katulad ang Panginoon na ating Dios,
na nakaupo sa kanyang trono sa itaas.
6Yumuyuko siya upang tingnan ang kalangitan at ang sanlibutan.
7Tinutulungan niya ang mga dukha at nangangailangan sa kanilang kagipitan.
8At silaʼy pinararangalang kasama ng mararangal na tao
mula sa kanyang mga mamamayan.
9Pinaliligaya niya ang baog na babae sa tahanan nito,
sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng mga anak.
Purihin ninyo ang Panginoon!

Currently Selected:

Salmo 113: ASND

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy