Salmo 105
105
Salmo 105
(1~Cro. 16:8‑22)
1Pasalamatan nʼyo ang Panginoon.
Sambahin nʼyo siya!
Ihayag sa mga tao ang kanyang mga ginawa.
2Awitan nʼyo siya ng mga papuri;
ihayag ang lahat ng kamangha-mangha niyang mga gawa.
3Purihin nʼyo ang kanyang banal na pangalan.
Magalak kayo, kayong mga lumalapit sa Panginoon.
4Magtiwala kayo sa Panginoon,
at sa kanyang kalakasan.
Palagi kayong dumulog sa kanya.
5-6Kayong mga lahi ni Abraham na lingkod ng Diyos,
at mga lahi rin ni Jacob na kanyang hinirang,
alalahanin ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa,
mga himala, at ang kanyang paghatol.
7Siya ang Panginoon na ating Diyos,
siya ang humahatol sa buong mundo.
8Hindi siya makakalimot sa kanyang pangako kailanman;
ang kanyang pangako para sa maraming salinlahi
9ang pangako niya kay Abraham,
gayon din kay Isaac.
10Ipinagpatuloy niya ang kasunduang ito kay Jacob,
at magpapatuloy ito magpakailanman.
11Sinabi niya sa bawat isa sa kanila,
“Ibibigay ko sa iyo ang lupain ng Canaan
bilang pamana ko sa iyo at sa iyong mga angkan.”
12Nooʼy iilan pa lang
ang mga mamamayan ng Diyos,
at mga dayuhan pa lang sila
sa lupain ng Canaan.
13Nagpalipat-lipat sila sa mga bansa
at mga kaharian.
14Ngunit hindi pinahintulutan ng Diyos
na apihin sila.
Bilang proteksyon sa kanila
ay sinaway niya ang mga hari.
15Sinabi niya,
“Huwag ninyong galawin ang hinirang
kong mga lingkod,
huwag ninyong saktan
ang aking mga propeta.”
16Nagpadala ang Diyos ng taggutom
sa lupain ng Canaan.
Kinuha niyang lahat
ang kanilang pagkain.
17Ngunit may pinauna na siya sa Ehipto
na tutulong sa kanila.
Si Jose na ipinagbili roon
bilang alipin.
18Kinadenahan ang kanyang mga paa
at nilagyan ng bakal ang kanyang leeg,
19hanggang sa nangyari
ang kanyang propesiya.
Ang mga sinabi ng Panginoon na naganap sa kanya
ay nagpatunay na siyaʼy matuwid.
20Pinalaya siya ng hari ng Ehipto
na namamahala sa maraming tao,
21at ginawa siyang tagapamahala
ng kanyang palasyo at mga ari-arian.
22Bilang tagapamahala,
may kapangyarihan siyang turuan
ang mga pinuno sa nasasakupan ng hari
pati ang kanyang mga tagapayo.
23Pagkatapos, pumunta si Jacob
at ang kanyang pamilya sa Ehipto,
na lupain ng mga lahi ni Ham,
at doon sila nanirahan bilang dayuhan.
24Pinarami ng Panginoon
ang kanyang mga mamamayan,
at naging makapangyarihan kaysa
sa mga Ehipsiyo na kanilang kaaway.
25Pinahintulutan ng Panginoon na galitin
at lokohin ng mga Ehipsiyo
ang mga mamamayan na kanyang lingkod.
26Sinugo niya si Moises na kanyang lingkod
at si Aaron na kanyang hinirang.
27Ipinakita nila sa lupain ng mga lahi ni Ham
ang mga himala na ginawa ng Diyos.
28Pinadilim ng Diyos ang lupain ng Ehipto,
ngunit sumuway pa rin sila sa kanyang mga utos.
29Ginawa niyang dugo ang kanilang mga tubig,
kaya namatay ang kanilang mga isda.
30Napuno ng palaka ang kanilang lupain,
at pinasok pati ang mga silid ng kanilang mga pinuno.
31Nag-utos ang Diyos,
at dumating sa kanilang lupain
ang napakaraming niknik at lamok.
32Sa halip na ulan ang ibinigay sa kanilang lupain,
yelo ang bumagsak na may kasamang mga kidlat.
33Sinira niya ang tanim nilang mga ubas, mga puno ng igos,
at iba pang mga punongkahoy.
34Sa kanyang utos, dumating ang mga balang,
at mga tipaklong na hindi mabilang.
35At kinaing lahat ang kanilang mga tanim,
pati ang mga bunga nito.
36Pinatay ng Diyos ang lahat nilang panganay na lalaki.
37Pagkatapos nito, pinalabas niya ang mga taga-Israel
sa lupain ng Ehipto na wala ni isa mang napahamak,
at may dala pa silang mga pilak at ginto.
At sa kanilaʼy wala ni isa mang napahamak.
38Natuwa ang mga Ehipsiyo
nang umalis ang mga taga-Israel,
dahil takot sila sa kanila.
39Naglagay ang Diyos ng ulap na lililim sa kanila
at kung gabi namaʼy apoy
upang magbigay sa kanila ng liwanag.
40Ang mga taoʼy humingi ng makakain,
at pinadalhan sila ng Diyos ng mga pugo,
at binusog niya sila ng pagkaing
mula sa langit.
41Pinabitak niya ang bato at bumukal ang tubig.
Umagos ito na parang ilog sa tuyong lupa.
42Ang lahat ng ito ay ginawa ng Diyos
dahil hindi niya kinalimutan ang kanyang pangako
kay Abraham na kanyang lingkod.
43Pinalabas niya sa Ehipto
ang kanyang mga mamamayan
na masayang-masaya at sumisigaw sa kagalakan.
44Ibinigay niya sa kanila
ang mga lupain ng ibang bansa;
ipinamana sa kanila ang pinaghirapan ng iba
45upang sundin nila ang kanyang
mga tuntunin at kautusan.
Purihin ang Panginoon!
Currently Selected:
Salmo 105: ASD
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.
Mga Awit 105
105
Awit sa Paggunita sa Kasaysayan ng Bansang Israel (1 Cro. 16:8-22)
1Dapat na si Yahweh, ating Panginoon, ay pasalamatan, ang kanyang ginawa sa lahat ng bansa'y dapat ipaalam.
2Siya ay purihin, handugan ng awit, ating papurihan,
ang kahanga-hangang mga gawa niya'y dapat na isaysay.
3Tayo ay magalak yamang lahat tayo ay tunay na kanya,
ang kanyang pangalan, ang pangalang banal, napakadakila,
lahat ng may nais maglingkod kay Yahweh, dapat na magsaya.
4Siya ay hanapin, at ang kanyang lakas ay siyang asahan,
siya ay hanapin upang mamalagi sa kanyang harapan.
5Ating gunitain ang kahanga-hanga niyang mga gawa,
ang kanyang paghatol, gayon din ang kanyang ginawang himala.
6Ito'y nasaksihan ng mga alipi't anak ni Abraham,
gayon din ng lahat na anak ni Jacob na kanyang hinirang.
7Ang Diyos na si Yahweh ang Panginoon, siya ang ating Diyos,
sa kanyang paghatol ang nasasaklaw, buong sansinukob.
8Ang tipang pangako'y laging nasa isip niya kailanman,
ang mga pangakong kanyang binitiwan sa lahat ng angkan.
9Ang#Gen. 12:7; 17:8; Gen. 26:3. tipan ng Diyos ay unang ginawa niya kay Abraham,
at may pangako ring ginawa kay Isaac na lingkod na mahal;
10sa#Gen. 28:13. harap ni Jacob, ang pangakong ito'y kanyang pinagtibay,
para sa Israel, ang tipan na ito ay pangwalang-hanggan.
11Sinabi ng Diyos, “Ang lupang Canaa'y ikaw ang kukuha,
bilang bahagi mo sa aking pangako na ipapamana.”
12Nang panahong iyon sila ay iilan, hindi pa marami,
kaya sa lupaing tinirhan nila'y hindi nanatili.
13Tulad nila noon ay taong lagalag na palipat-lipat,
kung saang lupalop, mga kaharian sila napasadlak.
14Sinuman#Gen. 20:3-7. ay hindi niya tinulutang sila'y alipinin,
ang haring magtangka na gumawa nito ay pananagutin.
15Ang sabi ng Diyos di dapat apihin ang kanyang hinirang,
ang mga propetang mga lingkod niya'y hindi dapat saktan.
16Sa#Gen. 41:53-57. lupain nila'y mayroong taggutom na ipinarating
itong Panginoon, kung kaya nagdahop sila sa pagkain.
17Subalit#Gen. 37:28; 45:5. ang Diyos sa unahan nila'y may sugong lalaki,
tulad ng alipin, ibinenta nila ang batang si Jose;
18mga#Gen. 39:20–40:23. paa nito'y nagdanas ng hirap nang maikadena,
pinapagkuwintas ng kolyar na bakal pati leeg niya.
19Hanggang sa dumating ang isang sandali na siya'y subukin nitong si Yahweh,
na siyang nangakong siya'y tutubusin.
20Ang#Gen. 41:14. ginamit ng Diyos ay isang hari upang lumaya,
pinalaya siya nitong haring ito na namamahala.
21Doon#Gen. 41:39-41. sa palasyong tahanan ng hari pinapamahala,
sa buong lupain, si Jose'y ginawa niyang katiwala.
22Siya'ng sinusunod ng mga prinsipe doon sa palasyo,
siya ang pag-asa ng mga matandang ang gawa'y magpayo.
23Sa#Gen. 46:6; Gen. 47:11. bansang Egipto, itong si Israel ay doon nagpunta,
sa lupain ni Ham, ang nunong si Jacob ay doon tumira.
24Ginawa#Exo. 1:7-14. ni Yahweh ay kusang pinarami ang kanyang hinirang,
pinalakas ito, higit pa sa lakas ng mga kaaway.
25Tinulutan niyang doon sa Egipto sila ay itakwil,
ipinabusabos at pinahirapan nang gawing alipin.
26Saka#Exo. 3:1–4:17. inutusan itong si Moises, sinugo ng Diyos,
sinugo rin niya pati si Aaron, ang piniling lingkod.
27Sa bansang Egipto'y maraming himalang ginampanan sila,
sa utos ng Diyos, maraming himalang doon ay nakita.
28Ang#Exo. 10:21-23. isang ginawa niya'y pinadilim sa buong lupain,
ang ginawang ito'y hindi inintindi ni hindi pinansin.
29Ang#Exo. 7:17-21. ilog at batis ay kanyang ginawang dugong dumadaloy,
pawang nangamatay ang lahat ng isdang doo'y lumalangoy.
30Napuno#Exo. 8:1-6. ng mga palakang kay rami ang buong lupain,
maging mga silid ng mahal na hari ay may palaka rin.
31Sa#Exo. 8:20-24; Exo. 8:16-17. utos ng Diyos ay maraming niknik ang biglang sumipot,
sa lahat ng dako kay rami ng langaw, gayon din ng lamok.
32Sa#Exo. 9:22-25. halip na tubig, ay maraming yelo ang nagsilbing ulan,
ang kulog at kidlat ay sala-salabat nilang nasaksihan.
33Ang mga ubasan, mga punongkahoy katulad ng igos,
ay kanyang nilagas, mga bunga nito'y hindi na nahinog.
34Isang#Exo. 10:12-15. utos lamang at biglang dumating ang maraming balang,
langit ay nagdilim sa dinami-rami ay hindi mabilang.
35Lahat ng gulayin at mga halaman sa buong lupain,
sinira ng balang, mga bunga nito'y kanilang kinain.
36Ang#Exo. 12:29. mga panganay sa buong Egipto ay kanyang pinatay,
kaya sa Egipto, noon ay naubos ang mga panganay.
37Pagkatapos#Exo. 12:33-36. nito, ang bayang Israel kanyang inilabas,
malulusog sila't lumabas na dala'y mga ginto't pilak.
38Pawang nangatuwa ang mga Egipcio nang sila'y umalis,
pagkat natakot na sa mga pahirap nilang tinitiis.
39Ang#Exo. 13:21-22. naging patnubay nila sa paglakad, kung araw ay ulap,
at kung gabi naman ay haliging apoy na nagliliwanag.
40Nang#Exo. 16:2-15. sila'y humingi niyong makakain, pugo ang nakita,
at buhat sa langit, sila ay binusog ng maraming manna.
41Sa#Exo. 17:1-7; Bil. 20:2-13. bitak ng bato, bumukal ang tubig nang sila'y mauhaw,
pinadaloy niyang katulad ay ilog sa gitna ng ilang.
42Nagunita ng Diyos ang kanyang ginawang mahalagang tipan,
ang pangako niya sa tapat na lingkod niyang si Abraham.
43Kaya't ang bayan niya'y kanyang inilabas na lugod na lugod,
nang kanyang ialis, umaawit sila nang buong alindog.
44Ang#Jos. 11:16-23. mga hinirang ay binigyan niya ng lupang malawak,
sila ang nag-ani sa lupaing iyong iba ang naghirap.
45Ginawa niya ito upang ang tuntuni'y kanilang mahalin,
yaong kautusan, ang utos ni Yahweh ay kanilang sundin.
Purihin si Yahweh!
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society