YouVersion Logo
Search Icon

Kawikaan 5:15-23

Kawikaan 5:15-23 ASD

Ang asawa mo lamang ang dapat mong sipingan. Ika nga, inumin mo lamang ang tubig sa sarili mong balon. Huwag kang sisiping sa kung kani-kanino diyan. Kung baga, huwag mong ikalat ang iyong tubig sa lansangan. Ang tubig sa iyong balon ay para lamang sa iyong asawa at hindi ibinabahagi sa iba. Pagpalain sana ang iyong asawa. Maging maligaya ka sa kanya, na napangasawa mo noong kayoʼy mga bata pa. Maganda siya at kaakit-akit gaya ng usa. Lagi ka sanang masisiyahan sa kanyang dibdib, at aakitin parati ng kanyang pag-ibig. Anak, bakit ka paaakit sa babaeng mahalay? Bakit mo yayakapin ang dibdib niya? Sapagkat nakikita ng PANGINOON ang lahat ng iyong ginagawa; saan ka man naroroon, tinitingnan ka niya. Ang masasamang tao ay bihag ng kanilang kasamaan; para itong bitag na huhuli sa kanila. Mamamatay sila dahil wala silang disiplina; silaʼy iniligaw ng kahangalan nila.

Free Reading Plans and Devotionals related to Kawikaan 5:15-23