YouVersion Logo
Search Icon

Mga Bilang 7

7
Mga Handog sa Pagtatalaga
1Pagkatapos maiayos ni Moises ang Tolda, winisikan niya ito ng langis at itinalaga pati ang lahat ng kagamitan nito. Ganito rin ang ginawa niya sa altar at sa lahat ng kagamitan nito. 2Pagkatapos, nagdala ng mga handog sa Panginoon ang mga pinuno ng Israel, na pinuno ng bawat lahi. Sila ang nakatalaga sa pagsesensus. 3Nagdala sila ng anim na kariton at labindalawang baka – isang kariton sa bawat dalawang pinuno, at isang baka sa bawat isa sa kanila sa harapan ng Panginoon. Dinala nila ito sa harapan ng Toldang Sambahan.
4Sinabi ng Panginoon kay Moises, 5“Tanggapin mo ang kanilang mga handog upang magamit para sa mga gawain sa Toldang Tipanan. Ibigay ito sa mga Levita ayon sa kanilang gawain.”
6Kaya tinanggap ni Moises ang mga kariton at ang mga baka, at ibinigay ito sa mga Levita. 7Ibinigay niya ang dalawang kariton at apat na baka sa mga angkan ni Gerson para sa kanilang gawain. 8At ibinigay niya ang apat na kariton at walong baka sa mga angkan ni Merari para rin sa kanilang gawain. Pinamumunuan silang lahat ni Itamar na anak ng paring si Aaron. 9Ngunit hindi binigyan ni Moises ng kariton o baka ang mga angkan ni Kohat dahil sila ang itinalaga sa pagdadala ng mga banal na bagay ng Tolda.
10Sa araw na winisikan ng langis ang altar, nagdala rin ang mga pinuno ng kanilang mga handog para sa pagtatalaga ng altar, at dinala nila ang mga ito sa harap ng altar. 11Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Kailangang sa bawat araw, may isang pinuno na magdadala ng kanyang handog para sa pagtatalaga ng altar.”
12Ang nagdala ng handog sa unang araw ay si Naason na anak ni Aminadab, na pinuno ng tribo ni Juda.
13Ang kanyang mga handog ay
isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil. 14Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
15isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
16isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
17dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na tig-iisang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan.
Ito ang mga handog ni Naason na anak ni Aminadab.
18Nang ikalawang araw, si Netanel na anak ni Zuar, na pinuno ng tribo ni Isacar ang nagdala ng handog.
19Ang kanyang mga handog ay
isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.
20Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
21isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
22isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
23dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan.
Ito ang mga handog ni Netanel na anak ni Zuar.
24Nang ikatlong araw, si Eliab na anak ni Helon, na pinuno ng tribo ni Zebulun, ang nagdala ng handog.
25Ang kanyang mga handog ay
isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.
26Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
27isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
28isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
29dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan.
Ito ang handog ni Eliab na anak ni Helon.
30Nang ikaapat na araw, si Elizur na anak ni Sedeur, na pinuno ng tribo ni Ruben ang nagdala ng kanyang handog.
31Ang kanyang mga handog ay
isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.
32Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
33isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
34isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
35dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan.
Ito ang handog ni Elizur na anak ni Sedeur.
36Nang ikalimang araw, si Selumiel na anak ni Zurishadai, na pinuno ng tribo ni Simeon ang nagdala ng kanyang handog.
37Ang kanyang mga handog ay
isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.
38Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
39isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
40isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
41dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan.
Ito ang handog ni Selumiel na anak ni Zurishadai.
42Nang ikaanim na araw, si Eliasaf na anak ni Deuel, na pinuno ng lahi ni Gad ang nagdala ng kanyang handog.
43Ang kanyang mga handog ay
isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.
44Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
45isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
46isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
47dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan.
Ito ang handog ni Eliasaf na anak ni Deuel.
48Nang ikapitong araw, si Elisama na anak ni Amihud, na pinuno ng tribo ni Efraim ang nagdala ng kanyang handog.
49Ang kanyang mga handog ay
isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.
50Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
51isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
52isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
53dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan.
Ito ang handog ni Elisama na anak ni Amihud.
54Nang ikawalong araw, si Gamaliel na anak ni Pedazur, na pinuno ng tribo ni Manases ang nagdala ng kanyang handog.
55Ang kanyang mga handog ay
isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.
56Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
57isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
58isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
59dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan.
Ito ang handog ni Gamaliel na anak ni Pedazur.
60Nang ikasiyam na araw, si Abidan na anak ni Gideoni, na pinuno ng tribo ni Benjamin ang nagdala ng kanyang handog.
61Ang kanyang mga handog ay
isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.
62Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
63isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
64isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
65dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan.
Ito ang handog ni Abidan na anak ni Gideoni.
66Nang ikasampung araw, si Ahiezer na anak ni Amishadai, na pinuno ng tribo ni Dan ang nagdala ng kanyang handog.
67Ang kanyang mga handog ay
isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.
68Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
69isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
70isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
71dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan.
Ito ang handog ni Ahiezer na anak ni Amishadai.
72Nang ikalabing-isang araw, si Pagiel na anak ni Ocran, na pinuno ng tribo ni Asher ang nagdala ng kanyang handog.
73Ang kanyang mga handog ay
isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.
74Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
75isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
76isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
77dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan.
Ito ang handog ni Pagiel na anak ni Ocran.
78Nang ikalabindalawang araw, si Ahira na anak ni Enan, na pinuno ng lahi ni Neftali ang nagdala ng kanyang handog.
79Ang kanyang mga handog ay
isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.
80Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
81isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
82isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
83dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan.
Ito ang handog ni Ahira na anak ni Enan.
84Ito ang lahat ng mga handog ng labindalawang pinuno ng mga Israelita para sa pagtatalaga ng altar:
labindalawang pilak na bandehado, labindalawang pilak na mangkok, at labindalawang gintong tasa. 85Ang bawat bandehadong pilak ay may bigat na isaʼt kalahating kilo, at ang bawat mangkok na pilak ay may bigat na 800 gramo. Ang kabuuang timbang nila ay mga dalawampuʼt walong kilo ayon sa timbangang ginagamit ng mga pari. 86Ang labindalawang gintong lalagyan na puno ng insenso ay may bigat na mga 115 gramo bawat isa ayon sa bigat ng ginto sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang kabuuang timbang nila ay mga 1,440 gramo.
87Ang kabuuang bilang ng mga hayop na ibinigay para sa handog na sinusunog: labindalawang batang toro, labindalawang lalaking tupa at labindalawang lalaking tupang isang taóng gulang pa lang ang edad, kasama nito ang mga handog na pagkaing butil para sa Panginoon. Ang handog para sa kasalanan ay labindalawang lalaking kambing.
88Ang mga hayop na handog pangkapayapaan: dalawampuʼt apat na toro, animnapung lalaking tupa, animnapung lalaking kambing at animnapung batang lalaking tupa na isang taóng gulang pa lang ang edad.
Ito ang lahat ng mga handog nang italaga ang altar matapos itong wisikan ng langis.
89Kapag papasok si Moises sa Toldang Tipanan para makipag-usap sa Panginoon, naririnig niya ang boses na nakikipag-usap sa kanya galing sa gitna ng dalawang kerubin, sa ibabaw ng takip ng Kahon ng Kasunduan. Doon nakikipag-usap ang Panginoon kay Moises.

Currently Selected:

Mga Bilang 7: ASD

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

Video for Mga Bilang 7