Nehemias 7
7
1Nang matapos na ang pader ng lungsod at naikabit na ang mga pinto nito, itinalaga sa tungkulin nila ang mga tagapagbantay ng mga pintuan ng lungsod, ang mga mang-aawit, at ang mga Levita. 2Ibinigay ko ang tungkulin ng pamamahala sa Jerusalem sa kapatid kong si Hanani kasama si Hananias na kumander ng mga guwardiya sa kuta. Pinili ko si Hanania dahil mapagkakatiwalaan siya at may takot sa Diyos higit sa karamihan. 3Sinabi ko sa kanila, “Huwag nʼyong pabayaang nakabukas ang mga pintuan ng lungsod kapag tanghaling-tapat,#7:3 tanghaling-tapat: Oras ito ng pamamahinga, kaya maaaring ang mga kalaban ay bigla na lang sumalakay. kahit may mga tagapagbantay pang nagbabantay. Dapat nakasara ito at nakakandado. Maglagay din kayo ng mga tagapagbantay mula sa mga mamamayan ng Jerusalem. Ang iba sa kanila ay ilagay sa pader na malapit sa mga bahay nila, at ang iba naman ay ilagay sa ibang bahagi ng pader.”
Ang Talaan ng mga Tao na Bumalik mula sa Pagkabihag
(Ezra 2:1‑7)
4Napakalawak noon ng lungsod ng Jerusalem pero kakaunti lang ang mga naninirahan doon at kakaunti rin ang mga bahay. 5Kaya ipinaisip ng aking Diyos sa akin na tipunin ang mga pinuno, mga opisyal, at iba pang mga naninirahan upang maitala sila ayon sa bawat pamilya. Nakita ko ang listahan ng mga pamilya na unang bumalik mula sa pagkabihag. Ito ang nakatala roon:
6Ang mga sumusunod ay ang mga Israelita sa probinsya ng Juda na binihag noon ni Haring Nebucadnezar at dinala sa Babilonia. Nakabalik na sila sa Jerusalem at sa sarili nilang mga bayan sa Juda. 7Ang namuno sa pagbalik nila sa Jerusalem ay sina Zerubabel, Jeshua, Nehemias, Azarias, Raamias, Nahamani, Mordecai, Bilsan, Misperet, Bigvai, Nehum, at Baana.
Ito ang talaan ng mga mamamayan ng Israel na bumalik mula sa pagkabihag:
8Ang angkan ni Paros 2,172
9Ang angkan ni Sefatias 372
10Ang angkan ni Arah 652
11Ang angkan ni Pahat-moab (mula sa mga pamilya ni Jeshua at ni Joab) 2,818
12Ang angkan ni Elam 1,254
13Ang angkan ni Zatu 845
14Ang angkan ni Zacai 760
15Ang angkan ni Binui 648
16Ang angkan ni Bebai 628
17Ang angkan ni Azgad 2,322
18Ang angkan ni Adonikam 667
19Ang angkan ni Bigvai 2,067
20Ang angkan ni Adin 655
21Ang angkan ni Ater na tinatawag ding Ezequias#7:21 na tinatawag ding Ezequias: O na mga angkan ni Ezequias. 98
22Ang angkan ni Hasum 328
23Ang angkan ni Bezai 324
24Ang angkan ni Harif#7:24 Harif: O Jora. 112
25Ang angkan ni Gibeon#7:25 Gibeon: O Gibar. 95
26Mga Israelitang ang mga ninuno ay tumira sa mga sumusunod na bayan:
Bethlehem at Netofa 188
27mga taga-Anatot 128
28mga taga-Bet-azmavet 42
29mga taga-Kiriat-jearim, Quefira, at Beerot 743
30mga taga-Rama at Geba 621
31mga taga-Micmas 122
32mga taga-Betel at Ai 123
33mga taga-Nebo 52
34mga taga-Elam 1,254
35mga taga-Harim 320
36mga taga-Jerico 345
37mga taga-Lod, Hadid, at Ono 721
38mga taga-Senaa 3,930
39Mga pari:
Mga angkan ni Jedaias (mula sa pamilya ni Jeshua) 973
40Mga angkan ni Imer 1,052
41Mga angkan ni Pashur 1,247
42Mga angkan ni Harim 1,017
43Mga Levita:
Mga angkan nina Jeshua at Kadmiel (mula sa pamilya ni Hodavias) 74
44Mga mang-aawit sa Templo na mga angkan ni Asaf 148
45Mga tagapagbantay ng Templo na mula sa angkan nina Salum, Ater, Talmon, Akub, Hatita, at Sobai 138
46Mga tagapaglingkod sa Templo:
Mga angkan nina
Ziha, Hasufa, Tabaot,
47Keros, Sia, Padon,
48Lebana, Hagaba, Salmai,
49Hanan, Gidel, Gahar,
50Reaias, Rezin, Nekoda,
51Gazam, Uza, Pasea,
52Besai, Meunim, Nefusesim,
53Bakbuk, Hakufa, Harhur,
54Bazlut, Mehida, Harsa,
55Barkos, Sisera, Tema,
56Nezias, at Hatifa.
57Mga angkan ng mga alipin ni Solomon:
Ang mga angkan nina
Sotai, Soferet, Perida,
58Jaala, Darkon, Gidel,
59Sefatias, Hatil, Poqueret-hazebaim, at Amon.
60Ang kabuuang bilang ng mga angkan ng mga tagapaglingkod sa Templo at mga angkan ng mga alipin ni Solomon ay 392.
61May mga bumalik din mula sa mga bayan ng Tel-mela, Tel-harsa, Querub, Adon at Imer. Ngunit hindi nila mapatunayan na silaʼy talagang mga Israelita:
62Sila ang mga nagmula sa angkan nina Delaias, Tobias, at Nekoda, 642 katao silang lahat.
63Hindi rin mapatunayan ng mga angkan nina
Hobias, Hakoz, at Barzilai na mga pari sila. (Nang nag-asawa si Barzilai, dinala niya ang pangalan ng biyenan niyang si Barzilai na taga-Gilead.)
64Dahil nga hindi nila makita ang talaan ng kanilang mga ninuno, hindi sila tinanggap bilang mga pari. 65Sinabihan sila ng gobernador na hindi sila maaaring kumain ng mga pagkaing inihandog sa Diyos hanggaʼt walang pari na sasangguni sa Panginoon tungkol sa kanilang pagkapari sa pamamagitan ng Urim at Tumim.#7:65 Urim at Tumim: Dalawang bagay na ginagamit upang malaman ang kalooban ng Panginoon.
66Ang kabuuang bilang ng mga lalaki mula sa pagkabihag ay 42,360, 67hindi pa kabilang dito ang mga alipin nilang lalaki at babae na 7,337 at mga mang-aawit na lalaki at babae na 245. 68May dala silang 736 na kabayo, 245 mola, 69435 kamelyo, at 6,720 asno.
70“Ang ibang mga pinuno ng mga pamilya ay nag-ambag para sa muling pagpapatayo ng Templo. Ang gobernador ay nagbigay ng walong kilong ginto, 50 mangkok, at 530 pirasong damit para sa mga pari. 71Ang ibang mga pinuno ng mga pamilya ay nagbigay para sa ganitong gawain ng 168 kilong ginto at 1,200 kilong pilak. 72Ang kabuuang ibinigay ng iba pang mga tao ay 168 kilong ginto, 1,100 kilong pilak, at 67 pirasong damit para sa mga pari.
73“Ang bawat isa sa kanila ay bumalik sa mga bayan na kung saan nagmula ang kanilang pamilya, pati na ang mga pari, ang mga Levita, ang mga tagapagbantay ng Templo, ang mga mang-aawit, at ang mga tagapaglingkod sa Templo.”
Binasa ni Ezra ang Kautusan
Nang dumating ang ikapitong buwan, nang nakatira na ang mga Israelita sa mga bayan nila,
Currently Selected:
Nehemias 7: ASD
Highlight
Share
Copy

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.
Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.
―――――――
Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Used with permission. All rights reserved worldwide.