Leviticus 17
17
Ipinagbawal ang Pagkain ng Dugo
1Sinabi ng Panginoon kay Moises, 2“Sabihin mo kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki, at sa lahat ng mga Israelita: ‘Ito ang iniutos ng Panginoon: 3Ang sinuman sa inyo na maghahandog ng baka, tupa, o kambing sa ibang lugar, 4-5sa halip na sa Toldang Tipanan ay katulad ng taong nakapatay ng kapwa, kaya ititiwalag siya ng sambayanan. Ang tuntuning itoʼy ginawa para ang paghahandog ay gagawin ninyo malapit sa may pintuan ng Tolda at hindi sa ibang lugar. Ang inyong mga handog pangkapayapaan ay ibibigay ninyo sa pari na siyang maghahandog nito sa Panginoon. 6Iwiwisik ng pari ang dugo ng handog na hayop sa altar na pinaghahandugan para sa Panginoon malapit sa may pintuan ng Toldang Tipanan. Pagkatapos, susunugin niya ang taba ng mga hayop. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon. 7Kaya hindi na kayo dapat maghandog sa mga demonyo na mukhang kambing,#17:7 demonyo na mukhang kambing: O diyos-diyosang kambing. dahil ito ang maglalayo sa inyo sa Panginoon. Ang tuntuning ito ay dapat ninyong sundin, kayo at ang susunod pang mga henerasyon.
8“ ‘Kayong mga Israelita at ang mga dayuhang naninirahang kasama ninyo, tandaan ninyo ito:
“ ‘Ang sinuman sa inyo na maghahandog ng handog na sinusunog o anumang uri ng handog sa ibang lugar 9sa halip na dalhin sa may pintuan ng Tolda upang ihandog sa Panginoon ay hindi na ituturing na bahagi ng sambayanan.
10“ ‘Ang sinuman sa inyo na kakain ng dugo ay magiging kalaban ng Panginoon at huwag na ninyong ituring na kababayan. 11Sapagkat ang buhay ng bawat nilalang ay nasa dugo nito at iniutos sa inyo ng Panginoon na ang dugo sa altar ay gamitin ninyo bilang pantubos sa inyong mga kasalanan, dahil ang dugo ang nagbibigay ng buhay, ang siyang pantubos ng tao sa kanyang mga kasalanan. 12Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng Panginoon sa inyong mga Israelita na hindi kayo dapat kumain ng dugo, gayundin ang sinumang dayuhang naninirahan sa inyo.
13“ ‘Ang sinuman sa inyong huhuli ng hayop o ibon na maaaring kainin, dapat niyang patuluin ang dugo at tabunan ng lupa, 14dahil ang buhay ng bawat nilalang ay nasa kanyang dugo. Kaya nga sinabi sa inyo ng Panginoon na huwag kayong kakain ng dugo ng anumang nilalang. Ang sinuman sa inyong kakain ng dugo ay huwag na ninyong ituring na kababayan.
15“ ‘Ang sinuman sa inyo; katutubong Israelita man o dayuhang kumain ng hayop na namatay o pinatay ng kapwa hayop, kailangan niyang labhan ang kanyang damit at maligo. Ituturing pa rin siyang marumi hanggang sa paglubog ng araw, at pagkatapos ay ituturing na siyang malinis. 16Kapag hindi niya nilabhan ang kanyang damit at hindi naligo, may pananagutan siya.’ ”
Currently Selected:
Leviticus 17: ASD
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.
LEVITICO 17
17
Ang Pagiging Banal ng Dugo
1Nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2“Magsalita ka kay Aaron at sa kanyang mga anak at sa lahat ng mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila: Ito ang iniutos ng Panginoon:
3Sinumang tao sa sambahayan ni Israel na pumatay ng baka, o kordero, o kambing sa loob ng kampo, o pumatay sa labas ng kampo,
4at hindi ito dinala sa pintuan ng toldang tipanan, upang ihandog bilang alay sa Panginoon, sa harapan ng tabernakulo ng Panginoon, ang dugo ay ipaparatang sa taong iyon. Siya'y nagbubo ng dugo, at ang taong iyon ay ititiwalag sa kanyang bayan.
5Ito ay upang ang mga anak ni Israel ay magdala ng kanilang mga alay na kanilang pinapatay sa kaparangan, upang dalhin nila ang mga ito sa Panginoon, sa pari na nasa pintuan ng toldang tipanan, at ialay ang mga iyon bilang handog pangkapayapaan sa Panginoon.
6Iwiwisik ng pari ang dugo sa ibabaw ng dambana ng Panginoon, sa pintuan ng toldang tipanan at susunugin ang taba na mabangong samyo sa Panginoon,
7upang hindi na nila iaalay ang kanilang mga alay sa mga demonyong kambing na sanhi ng kanilang pagtataksil.#17:7 Sa Hebreo ay naging parang paupahang babae. Ito ay magiging alituntunin magpakailanman sa kanila sa buong panahon ng kanilang salinlahi.
8“At sasabihin mo sa kanila: Sinumang tao sa sambahayan ni Israel, o sa mga taga-ibang bayan na naninirahang kasama nila na naghandog ng handog na sinusunog o alay,
9at hindi ito dinala sa pintuan ng toldang tipanan, upang ialay sa Panginoon, ang taong iyon ay ititiwalag sa kanyang bayan.
Ang Dugo ay Hindi Dapat Kainin
10“Sinumang#Gen. 9:4; Lev. 7:26, 27; 19:26; Deut. 12:16, 23; 15:23 tao sa sambahayan ni Israel o sa mga taga-ibang bayan na naninirahang kasama nila na kumain ng anumang dugo, ay aking ihaharap ang aking mukha laban sa taong iyon na kumain ng dugo, at ititiwalag siya sa kanyang bayan.
11Sapagkat#Heb. 9:22 ang buhay ng laman ay nasa dugo, at aking ibinigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang ipantubos sa inyong mga kaluluwa, sapagkat ang dugo'y siyang tumutubos dahil sa buhay.
12Kaya't aking sinabi sa mga anak ni Israel, ‘Sinuman sa inyo ay huwag kakain ng dugo, ni ang taga-ibang bayan na naninirahang kasama ninyo ay huwag kakain ng dugo.’
13At sinumang tao sa mga anak ni Israel, o sa mga taga-ibang bayan na naninirahang kasama ninyo na humuli ng hayop o ng ibon na makakain, ay ibubuhos niya ang dugo niyon at tatabunan ng lupa.
14“Sapagkat ang buhay ng lahat ng laman ay ang dugo nito. Kaya't sinabi ko sa mga anak ni Israel: Huwag kayong kakain ng dugo ng anumang laman, sapagkat ang buhay ng buong laman ay ang dugo nito, sinumang kumain niyon ay ititiwalag.
15At sinumang tao, katutubo man o taga-ibang bayan, na kumain ng anumang kusang namatay o nilapa ng hayop ay maglalaba ng kanyang mga damit, at maliligo sa tubig, at magiging marumi hanggang sa paglubog ng araw; pagkatapos ay magiging malinis siya.
16Subalit kung hindi niya labhan ang mga iyon, ni paliguan ang kanyang katawan, ay tataglayin niya ang kanyang kasalanan.”
Currently Selected:
:
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001