Juan 6:30-35
Juan 6:30-35 ASD
Sumagot ang mga tao, “Kung gusto mong maniwala kami saʼyo, patunayan mong isinugo ka ng Diyos. Anong himala ang maipapakita mo sa amin? Makakagawa ka ba ng himalang katulad ng manna na kinain ng ating mga ninuno noong nasa ilang sila? Sapagkat ayon sa Kasulatan, binigyan sila ni Moises ng tinapay na mula sa langit.” Sinabi ni Hesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi si Moises ang nagbigay sa mga ninuno ninyo ng tinapay mula sa langit, kundi ang aking Ama. At ngayoʼy ibinibigay sa inyo ng aking Ama ang tunay na tinapay mula sa langit. Sapagkat ang tunay na tinapay na nagmula sa Diyos ay walang iba kundi ang tinapay na mula sa langit at nagbibigay-buhay sa mga tao.” Sinabi ng mga tao, “Bigyan nʼyo po kami ng tinapay na ʼyan sa araw-araw.” Sinabi ni Hesus sa kanila, “Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Ang sinumang lumalapit at sumasampalataya sa akin ay hindi na magugutom o mauuhaw kailanman.





