YouVersion Logo
Search Icon

Santiago 5:14-16

Santiago 5:14-16 ASD

Mayroon bang may sakit sa inyo? Dapat niyang ipatawag ang mga pinuno ng iglesya para ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. Ang panalanging may pananampalataya ay nakapagpapagaling ng maysakit. Palalakasin siya ng Panginoon at patatawarin kung nagkasala siya. Kaya nga, ipagtapat ninyo sa isaʼt isa ang mga kasalanan ninyo at ipanalangin ang isaʼt isa upang gumaling kayo. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.