Isaias 48:17-18
Isaias 48:17-18 ASD
Sinasabi ng PANGINOON na inyong Tagapagligtas, ang Banal na Diyos ng Israel: “Ako ang PANGINOON na inyong Diyos na nagturo sa inyo kung ano ang mabuti para sa inyo at ako ang pumatnubay sa inyo sa tamang daan. Kung kayo lamang ay sumunod sa aking mga utos, dumaloy sana na parang ilog ang kapayapaan sa inyo, at magsunod-sunod ang inyong tagumpay na parang alon na dumarating sa dalampasigan.







