Isaias 43:6-7
Isaias 43:6-7 ASD
Sasabihin ko sa mga bansa sa hilaga, ‘Ibalik ninyo sila,’ at sa timog, ‘Huwag ninyo silang pigilan.’ Hayaan ninyong bumalik ang aking mga mamamayan mula sa malayo, at umuwi mula sa kasuluk-sulukan ng mundo. Sila ang mga taong aking tinawag. Nilikha ko sila para sa aking karangalan.”





